Written by:Dems
Habang ako'y naglalakad mag-isa sa tabi ng karagatan
Naaalala ko ang mamasayang alaala nung tayo'y magkasama pa
Mga kulitan,asaran hanggang mapikon ka tapos lalambingin kita
Yung araw na kayakap ka habang pinapanood ang paglubog ng arawSa tabing dagat ang paborito nating tambayan
Sa tuwing tayo'y nagkikita
At sa tuwing gusto nating magkasama
Napaka sarap titigan ng paglubog ng araw kasama ang taong aking pinakamamahalNgunit aking naalala na wala kana nga pala
Naaalala ko na iniwan mo akong mag-isa't luhaan
Sa ating tagpuan
Tagpuan kung saan una tayong nagkakilala ngunit dun din pala matatapos ang pag-iibigan nating dalawaMasakit isipin pero kailangang tanggapin
Na wala kana saaking piling
Ako'y uupo at dadamahin ang ihip ng hangin
Kasabay ng tunog ng tubig sa karagatanHabang binabanggit ang iyong pangalan
At iniisip na ika'y aking kapiling
Ngunit tanggap ko na ang katotohanan
Katotohanan na mag-isa ko na lang masasaksihan ang paglubog ng araw sa karagatan habang iniisip ay ikaw.-----------------------------------------
Thank you very much @PriceAvier