Ibalik

44 0 0
                                    

Written by:Dems

Ating balikan ang ating nakaraan
Pero parang mas magandang ibalik natin sa umpisa
Ngunit naalala ko
Paano natin ibabalik ang umpisa
Kung meron nang naumpisahang umpisa
Ako na lamang ba ang aalala mula umpisa hanggang sa magwakas ang lahat
Akin nang uumpisahan
Umpisa nung araw na tayo'y masaya
Umpisa kung saan lahat ay mahalaga
Ikaw,ako,tayo dalawa
Na nagmamahalan ng sobra sobra
Ngunit dumating ang panahon na biglang pumait
Pumait ang relasyon natin
At dun ko naramdaman ang sakit
Sakit na di matanggal tanggal
Mula nung dumating ang taong nagpasaya pa sayo ng sobra
Mula nang dumating siya
Parang kinalimutan mo nang meron pang tayo
Dahil nandyan siya sa tabi mo
At andun ako
Ngunit paano ako lalapit sayo
Kung siya na lagi ang kayakap mo
Paano ako lalapit kung siya na ang lumalambing sayo
Pano ako lalapit kung ang mga paa ko ay di ko maigalaw papunta sayo
Hindi ako makagalaw
Sapagkat bumigat ang lahat
Di ako mapunta sayo
Kasi hinihigit nako ng sakit papalayo sayo
Hindi sana ako lalayo sayo kung iningatan mo lang ang puso ko
Bigla kung naalala bakit mo pala iingatan to
Kung may iba kana palang iniingatang puso
Di na ko maghahabol sayo
Sapagkat may kasama kanang tumakbo
Hindi na kita hahanapin na parang larong tagu-taguan
Dahil bakit pa kita hahanapin kung mayroon kanang kapiling
Hindi na ko haharang sainyo parang larong patintero
Kasi bakit ako haharang sainyo kung sakit din naman pala ang matatamo ko
Piliin ko mang ibalik
Ngunit di na pe-pwede
Sapagkat may iba kana
At may inuumpisahan nang panibagong kwento
Pero heto ako naiintay ng pagbalik mo
At hawak ko padin ang lapis at papel
At hinihintay ang pagbalik mo...

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon