Written by:Jasmin Milar
Edited by:Marielle De CastroAking sinta sambitin
Ang dalawang salitang nagdurugtong sa mga puso natin
Na syang pangunahing paksa
Sa pagsulat ng TulaIto ang mga katagang Mahal kita
Na wala ng iba
Unawain, bigyang pansin ang aking saloobin
Intindihin ang aking sasalaysayinDi na gagambalain pa Kaya iyo nang simula't basahin na
Sa pagkurba ng aking mga labi
Ikaw ang rason sa namumutawing ngitiRason sa pagpasok ng maaga
Dala ang positibong pananaw at sigla
Ikaw ang nagbibigay lakas sa unos na dinadanas
Sa magulong mundo't tinatahak na landasPumikit,magbalik tanaw
Kung paano natin sinabayan ang mundo sa paggalaw
Ngunit teka ,tila kay bilis ata
Ang usad ng aking TulaSa paglalahad kung paano naging ganito
Kaya Mahal ako'y muling magsisimula
sa kung paano naging tayo
Natatandaan ko pa noon kung paano ang ating mga mata'y nagtama
Mga matang naghahanap nang kalingaNung mga panahon na wala pa ko sayong nararamdaman
Nagagawa pa nga sayong makipagtitigan
Ng walang kilig at pagkadisgusto lamang Ang bumubuo sa aking isipanPero marami nang nagbago sa kasalukuyan
Malayong malayo sa nakaraan
Kung saan ang mga titig mo
Ang sya ng bumubuo sa araw koNaalala ko pa kung saan may iba akong pinagtutuunan
Ibang tao na naging rason ng aking kasiyahan
Malayong malayo sa kung anong meron tayo ngayon
Dahil ikaw na ang aking inspirasyonKung saan ngayon sayo na nakalaan
Ang buong atensyon at nararamdaman Tumingin sa kalangitan
Tila may nagbabadyang kalamidad kung iyong pagmamasdanAng pagkulog ay iyong obserbahan
Pakinggan at tignan ang bawat patak ng ulan
Ito'y ihalintulad sa aking tunay na pagmamahal na sayo'y pinararadam
Kung paano ito nangyari ay hindi rin alamTila isipan ay biglang binagyo
Tila tinamaan ng kulog at nagbigay ng isang malaking pagbabago
Noong una ay naguluhan
Nagulumihan at pilit pinigilanPilit itong iwinaksi sa aking sistema
Isinantabi at ipinagwalang bahala
Nag aalinlangan kung ito ba'y sasabihin sa iyo
Hanggang sa dumating ang araw na nagtapat ka sakin mismoNa ikaw rin pala'y saakin ay may gusto
Kaya natuwa ang aking puso
At ang magulong isipan biglang gumawa ng desisyon
Na gumawa nang aksyonHanggang sa naging tayo
Ang dati lamang na ikaw at ako
Nararamdama'y patuloy na lumalalim at lumalago
Lumiwanag ang dating madilim na mundoAlam namang ito ay may kalakip
Kaya sana sa pagkalunod ay iyong masagip
Sa pagsugal ay wag sayangin
Mga bagay na ipinagwalang bahala para ikaw ay mahalinMahal,hiling ko sana'y di matulad sa pait at alat
Ng mga tula't sanaysay na aking sinusulat
Na sana di magkaroon ng wakas ang istoryang satin tumatakbo
Na syang nangyayari sa aking mga obra na palaging may wakas sa duloIpangako na mananatili ka sakin ,Sinta
Muli ,sambitin ang mga katagang Mahal kita
Tumingin sa Kanan at kaliwa
Ano man ang instruksyon nilaSayo Lang itutuon Ang aking mga mata
Asahan mong ito'y di mangangaliwa
Puso ay sayo lang
At sa isipan ay ikaw lamang
![](https://img.wattpad.com/cover/132731950-288-k836036.jpg)