Written by: Marielle M. De Castro
Ikaw ang aking paksa
Sa lahat ng aking mga tula
Ikaw ang aking paksa
Sa kauna-unahang kanta
Na ako mismo ang sumulat
Kahit dulot mo'y malalim na sugat
Kahit puso ko'y patuloy mong winawasak
Kahit ikaw pa ang dahilan kung bakit ang aking mga luha'y patuloy sa pagpatak
Ikaw ang aking paksa
Ako'y patuloy na aasa
Ako'y patuloy na magpapakatanga
Ako'y sayo lamang sinta
Pagbalik-baliktarin man ang mundo
Sayo'y hindi susuko
Sayo'y hindi lalayo
Sayo lamang ilalaan ang aking puso
Dahil Ikaw ang aking paksa
Sa lahat ng aking mga tula
Ikaw ang aking paksa
Sa kauna-unahang kanta na ako mismo ang sumulat
Kahit ang dagat ay hindi na maalat
Kahit ang asukal ay maging mapakla
Ikaw parin ang aking paksa
Kahit masakit na sinta
Hindi ako magsasawa
Ako'y patuloy na susulat
Upang aking isiwalat
Na ikaw lang ang nais kong paksa
Maubos man ang aking tinta
Maubos man ang aking mga salita
Maubos man ang mga sukat at tugma
Ako'y hindi titigil na tumula
Kahit hindi mo mabasa, sinta
Na ikaw ang aking paksa.