Written by: John Henry Taboy
Ang tulang ito ay para sa'yo,
Ang lahat ay gagawin ko, itaga mo ito sa bato.
Kahit dehado at marahas ay itutuloy ko,
Ang paglalakbay at paghihirap na sinimulan ko.Ang tulang ito ay para sa'yo,
Para sa taong nais kong makabasa nito.
Para makita at maramdaman ang paghihirap ko,
Para sa'yo na pinariringgan ko.Ang tulang ito ay para sa'yo,
Lahat ay gagawin ko para sa'yo.
Kahit maraming nakatitig at mahuli ako,
Dahil ang aking ginawa ay delikado.Ang tulang ito ay para sa'yo,
Para sa taong mataas ang pagkatao.
Sa lahat ng bagay ay ayaw magpatalo,
Kahit ang resulta nito ay nagmumukang negatibo.Ang tulang ito ay para sa'yo,
Para sa taong naiintindihan na ang tema ng tulang ito.
Ngunit hindi ito basta tula lamang,
Ang baho ay mistulang alamang.Ang tulang ito ay para sa'yo,
Para sa taong hindi pinangarap na makabasa ng huling letra ng tulang ito.
Ngayon, sunggaban mo ang batong tinagaan mo,
"Paumanhin sa nilalang na matatamaan nito."Ang tulang ito ay para sa'yo,
Ang palakol pala ay matalim ang dulo.
Pinipilit pakurbahin ngunit hindi matuto,
Ang tulang ito ay para... para sa'yo.._________________________