Written by:Marielle M. De Castro
Astig,gwapo,mayaman at matalino
Yang ang pagkakakilala ko sayo
Mabait,magalang at mapagmahal sa kapwa tao
Yan ang nagustuhan ko sayo...Masaya ako na nakilala kita
Sa mga kwento nila
Kwento kung saan ka nabuo
Hinangaan at minahal nang maraming tao...Nahulog na yata ako
Sa kahangahangang tulad mo
Na sa kathang-isip makikita
At sa panaginip lang makakasama....Nabuo ka sa aking imahinasyon
At ginawang inspirasyon
Sa aking Edukasyon
At ngayon ikaw ang aking ambisyon....Ngunit isang araw
Nagising ako sa katotohanan
Na ang mundo pala ay gumagalaw
At sa libro kalang matatagpuan...Madalas hinihiling ko
Na makasama ka sa aking mundo
Na hindi ka lang sa libro
At sana ika'y maging totoo...Lagi akong nakasubaybay
Sa sarili mong buhay
Lahat ay aking saulado
Kahit ang iyong sikreto...Marami tayong pagkakapareho
Pero isa lang ang sigurado
Na hindi magiging tayo
Dahil hindi ka totoong tao...Na kahit anong pilit ko
Walang magbabago
Na kahit dumaan pa ang segundo't minuto
Lahat ay malabo...______________________
Wattpaders feels
![](https://img.wattpad.com/cover/132731950-288-k836036.jpg)