Tamang Pag-ibig sa Maling Panahon

1.7K 21 6
                                    

Written by:Marielle M. De Castro

Pag-ibig, isang salita ngunit kaya kang saktan
Isang salitang dulot ay labis na kalungkutan

Kung tadhana ay sadyang walang pakialam sa inyong nararamdaman
Na pilit kayong pinahihirapan
At sinusubok ang inyong katatagan....

Tadhana nga naman
Puro paglalaro ang nalalaman
Nakilala kita sa hindi malamang paraan

Hindi ako makapaniwala nasa ganito tayo pagtatagpuin
Nang tadhana na siyang susubok sa atin
Na kahit anong pilit natin
Sa huli ay talo tayo sa laban...

Alam kong wala pa tayo sa tamang edad upang maramdaman ito
Ngunit anong magagawa ko?
Anong magagawa mo?
Kung nahulog na tayo?

Alam kong mahal mo rin ako
Dahil sa bawat minuto sa ating mundo
Paulit ulit mong pinaparamdam at sinasabi na ako'y mahal mo...

Sabi nila bata pa tayo upang ito'y maramdaman
At wala pa tayong nalalaman...
Nalalaman sa mga bagay bagay tulad ng pagmamahalan

"Oo" daw tayo'y nag-iibigan
Ngunit sapat na daw ba ito upang tayo'y mabuhay sa mundong ating ginagalawan?
Sapat na daw ba ito upang tayo'y maging masaya sa paglipas ng panahon...

Alam kong mahirap ang ating sitwasyon...
Na ating nararanasan
Ngunit alam kong ikaw na talaga ang dapat kong mahalin...
Dahil alam kong ikaw ang itinadhana sa akin...

Na kahit anong pagsubok nang tadhana sa atin.....
Ay hindi ka bibitaw sa akin...

Hindi ko na malaman ang gagawin
Mahal kita...Mahal mo ako ngunit hindi ito ang tamang panahon
Para sa ating pag-iibigan...

Handa kitang ipaglaban at alam kong ganoon karin
Ngunit mahirap tanggapin...

Na kailangan nating maghintay sa tamang panahon...
Kung kailan wala na tayong poproblemahin....
At wala nang hahadlang sa atin...
Sa wagas na pagmamahalan na namamagitan sa atin...

Madalas ay maraming katanungan sa aking isipan...
Kung bakit ang daming humahadlang sa atin?

Bakit hindi pa puwede ang ating mga nararamdaman?
Bakit ang ating pagmamahalan ay umusbong pa sa maling pagkakataon?

Na lahat ay napakakomplikado sa atin...
Na lahat ay bawal pa sa atin...
Na lahat ay hadlang sa pagmamahalan natin...

Sa lahat ng aking katanungan
Ay wala akong mahagilap na kasagutan.....
Kasagutang nais kong malaman...

Alam kong pagsubok lang ito
Ngunit nasasaktan parin ako...
Nasasaktan ako sa mga maaaring mangyari saiyo...
Na baka magkahiwalay tayo...
Na bigla ka nalang mawala sa piling ko....

Kaya kong maghintay para sayo
Subalit nangangamba ako
Nangangamba ako na isang araw ay wala ng tayo...
Na sumama ka na sa ibang tao
Na hindi na ako ang mahal mo...
Na hindi na ako ang nangangalaga nang iyong puso....
At iba na ang nagmamay-ari sayo

Nasa pagdating ng panahon
Ay ika'y mapagod at biglang sumuko....
Sumuko sa lahat ng pagsubok na ating kinakaharap sa oras na ito...

Handa mo kayang hintayin ang isang tulad ko?
Tulad ko na nagmamahal ng sobra sobra sayo...
Na kayang iaalay ang buhay para sayo...

Alam kong isasagot mo ay "Oo"
Ngunit nais kong marinig mula sayo....
Na ako'y mahal mo..
Na ako lang ang nag-iisang babae sa puso mo...
Bukod sa pamilya mo....

Na kailanman ay di iiwan ang tulad ko....
Na handa kang lumaban hanggang huli kasama ako....

By: @Minezone07

Vote, comment po hahaha
If you have tula po you can pm me so I can add here ang topic po ehh basta about sa mga nakakaranas nang sakit emotionally and make sure na lagyan nyo po ng pangalan nyo para po pag nilagay ko po dito ehh malalaman po nila na kayo ang gumawa...Yun lang po open po ito sa lahat😁😁😁
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜.

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon