Hindi pinili

28 1 0
                                    

Written by:Aiza Davan

Maraming katanungan ang hindi na nabigyan ng sagot tulad ng, bakit nga ba hindi
ka pinili?
Marahil ay mas lamang sya o kaya'y hindi ka naman talaga nya gusto.
Pinipilit mo na lamang ang sarili mo dahil baka, siguro, kahit papano
malay mo naman, may pag-asa!
Ngunit nabubuhay ka na lang pala sa maling akala
Akala mo mo gusto ka
Akala mo mahal ka
Akala mo ikaw na
Ngunit mali ka
Siguro'y tama nga sila marami ang namamatay sa maling akala
Dahil panandalian akong namatay noong nalaman kong hindi pala ako
at gustuhin ko mang matapos, hindi maaari
Gustuhin ko man na sumugal alam kong hindi rin naman magtatagal.
Gustuhin ko mang lumaban alam kong hindi ako ang iyong ipaglalaban.
Gustuhin ko mang manatili, ngunit paano?
Kung hindi naman ako ang pinili.
Marami mang gustong gawin, hindi na yata kakayanin
Marami mang gustong sabihin, hindi na yata bibigkasin.
Dahil nakagapos na ang bawat letra ng sarili nitong tanikala
Hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang bawat salita
Hahayaang kumupas sapagkat hindi na tama
dahil kahit sumugal, lumaban at manatili ka pa Hinding hindi ka nya pipiliin
kung may pinili na syang iba.

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon