Written by:Marielle M. De Castro
Ako ang babaeng hindi maganda
Walang panama sa iba
Dahil ako ay simple lamang
Hindi kapagmalaki malaking nilalangKaya ako'y nagkubli
Minaliit ang sarili
Pero parang may mali
Biglang hindi mapakaliDahan dahang tumayo
Lumabas mula sa pagkakatago
Mga mata'y naglakbay
Kasabay ng iyong pagdating sa aking buhayHindi sigurado
Tama nga ba na ako'y di nagtago
Hinayaan na tayo'y magtagpo
At ang sarili'y unti unting binagoMula sa aking pagkakatago
Ako'y binigyang buhay mo
Mga labi'y napangiti
Puso'y tumibok muliMundo'y nagkakulay
Nagkaroong ng kabuluhan ang mga bagay
Ngunit ito'y panandalian lang pala
Dahil bigla kang nawalaSinubukan kitang hanapin
Kung saan saan nakarating
Hanggang sa ika'y aking makita
May kasamang ibaMga mata'y biglang lumuha
Kasabay ng pagpatak ng ulan sa lupa
Mga tuhod ay nanginig
Mundo ko'y nayanigNang biglang mo syang hapitin
At tumakbo papalayo sa akin
Upang maghanap ng masisilungan
Kahit ako'y lumuluha kayo'y aking pilit sinundanHindi alintana kung ulan ay lumakas
Basta masundan lamang ang iyong bakas
Nang kayo'y tumigil
Ako'y biglang nanggigilNilabas mo ang iyong panyo
At pinunasan ang kasama mo
Hanggang sa aking mapagtanto
Na saakin ay ginawa mo rin itoAng pinagkaiba lang
Mas maganda syang nilalang
At mas bagay kayong dalawa
Kaya hindi ko na kayo inabalaNgunit bigla akong nagulat
Nang biglang kumidlat
Ako'y biglang napasigaw
Atensyon ninyo sa isa't isa ay aking naagawAko'y napako sa aking kinatatayuan
Habang ramdam ko ang tensyon sa aking katawan
Sinubukan kong humakbang Ngunit aking mga paa'y nawalan ng pakinabangBiglang lumukso ang aking puso
Sistema'y nagulo
Nang pangalan ko'y iyong sinambit
At sa aki'y biglang lumapitNgunit ako'y nagsisi
Dahil bigla kang ngumiti
At sinambit muli ang aking pangalan
Kasabay nang salitang "aking kaibigan"Ako pala ay iyong kaibigan
Ako ay hindi iyong kasintahan
Ako ay isang malaking tanga
Inisip na may tayong dalawaDahil sa mga galawan mong mapanlinlang
Panget na nga ako naging tanga pang nilalang
Bakit mo kase binitawan sa akin ang salitang mahal kita
Kung hindi naman totoo sintaO sadyang umasa lang ako
Baka naman may karugtong pa pala ito
Hindi ko lang narinig
Dahil sa puso kong ang lakas ng pintigMahal kita?
O mahal kita aking kaibigan
Alin nga ba sa dalawa?
Ang iyong salitang binitawanNgunit kahit ganon
Ako'y dahan dahang umahon
Mula sa pagkakabagsak
Mula sa pagkawasakMga labi'y muling ngumiti
Hindi dahil ako'y napasaya mo
Kundi dahil kailangan kong magkunwari
Na hindi ako apektadoApektado sa salitang "aking kaibigan"
At sa aking mga nasaksihan
Ngunit bigla nalang gusto kong magwala
Nang siya'y ipakilala mong iyong nobyaAng sakit sinta
Reyalidad ay tumama sa aking mukha
Na ako'y iyong pampalipas oras pala
At siya ang tunay mong sinisintaKaya ako'y bumalik sa dati
Ako'y muling nagkubli
Sinisi ang sarili
Nagtago sa nakakaramiHindi na muling nagtangkang sumubok
Dahil baka muling malugmok
Lalo na't ako'y marupok
Mahilig umasa na mararating ko ang tuktokKung saan ako ang nasa taas na tinitingala
Ako ang nasa taas na sinasamba
Ako ang nasa posisyon niya
Ngunit muli ako'y kaibigan lang pala...__________________________