Written by: Harly Melgarejo
Walang Kwenta.
Walang nagpapahalaga.
Sira ka na?
Sino ka na?
Iniwan? Winasak?
Asan na ang mga tao,
Na dadamay dapat sa iyo?
Pagod ka na.
Sawa ka na.
Naging mabuti ka naman
Pero anong ginawa nila?
Sinayang ang gaya mo.
Iniwan kang luhaan.
Ano?
Masaya ka pa ba?
Hanggang kelan ka magtitiis?
Hanggang kelan ka tatagal?
Inintindi ka ba nila?
Wala sila nung kailangan mo sila.Ngayon na nag-iisa ka.
Ano ang gagawin mo?
Simple lang.
Umalis ka na at magpaalam.
Tignan ang bukang liwayway,
At hayaan mong tanggapin ka ng lupa,
Habang niyayakap ka ng liwanag.___________________________
