Written by:Unknown
Natatakot ako
Sa nararamdaman ko
Na halos isuka ko
Dahil hindi ko matanggap na ikaw ang itinitibok ng pusoAnong ginawa mo?
Bakit ako nagkakaganito?
Halos mabaliw na ako sayo
At mamatay sa selos sa babaeng kausap moAyaw ko sayo
Iyan ang alam ko
Pero bakit iba ang sinasabi nang aking puso?
Bakit ako'y tinatraydor nitoHindi mo ba napapansin
Na halos gusto na kitang kulungin
Sa puso ko na ikaw ang hinihiling
Puso kong nais kang angkininAyaw ko nito
Ayaw ko sayo nararamdaman ko
Natatakot ako
Na baka ako'y saktan moPakiusap Ginoo
Ako'y nagsusumamo
Ako'y tulungan mo
Tulungan na ikaw ay alisin sa aking pusoAlisin itong pagtingin sayo
Limutin ang nararamdamang ito
Dahil hindi pa man tayo
Ay nasasaktan na ako------------------------------------
Awwww💔