Pasensya Na

265 2 0
                                    

Written by: JASMINE MILAR
Edited by:Marielle De Castro

Mahal,pasensya na
Kung paulit ulit na lamang sa pagsambit ng"ayoko na ''
Marahil ako'y napanghihinaan ng loob
Dahil sa aking mga maling kutob

Mahal,pasensya na
Sa paulit -ulit na pagbanggit na '' patawarin mo na''
Marahil minsa'y nagsasawa ka na
Dahil paulit ulit ding naisasaaksyon ang maling nagawa

Saksi ang mga tinta ng aking inalay
Ang liham na sa papel ko isinulat
Habang mapait na ngiti sa labi ko'y sumisilay
At mga mata'y mulat na mulat

Ang aking nararamdaman ay sumasabay
Sa buhay kong walang saysay
Sa kalituhan at kapighatia­n ng aking pagbabago
Sapagkat ito ang epekto

Saksi,ang mga tala sa kalangitan
At minsa'y nakikisabay ang ulan
Sa palahaw ng kapighatian
Sa t'wing tayo'y di nagkakaintindihan

Siguro'y ang puno't dulo nito ang ating pagkakalayo
Na palaging nagsusumamo nasana dumating ang araw na laging magkasama tayo Dahilan ,ang distansya nating dalawa ...
Upang demonyo sa isipan ay magpistahan na...

Lumilikha ng anay na sumisira sa imaheng magtiwala
Nagbibigay lamat sa relasyon na pinagtibay na
Aaminin kong madalas ay muntik nang magpatalo
Na kung di mo sinalba'y tiyak pinagsisihan ko

Muli mahal,pasensya na Kung paulit-ulit na lamang sa pagsambit na ''mahal kita''
Na kung minsan nga'y alam kong ika'y nasasaktan
Sa aking mga kababawan

Kababawan na madalas ay sobra na
Kaya pakiramdam ko na ako'y napapariwara
Sa takot na ika'y mawala
Dahil mahal...Mahal na mahal kita

Sa punto na hindi ko kayang makita
Na may kasama kang iba
Na tumatawa ka
Na parang ayos lang na ako'y wala

Kaya't muli mahal,pasensya na
Sa kawalan nang tiwala
Dahil sa distansya nating dalawa
Ngunit maniwala ka kahit na anong mangyari pag-ibig ko'y di mawawala...

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon