'Larawan'

47 1 0
                                    

Written by:Dems

Natatandaan mo pa ba ang larawang ito
Larawan kung saan kinunan ng ating mga kaibigan
Larawan kung saan masaya pa tayo habang naglalambingan
Hanggang tingin na lang ba ako saating larawan
Ilang beses ko ng sinubukang sunugin ito
Pero hindi ko ginawa sapagkat may pinagsamahan tayo
Pinagsamahan kahit na masakit
Ngunit aking pinipilit at kinikimkim ang sakit
Pero ano pa nga ba ang mas sasakit
Kung mas pinili niya ang mas malapit
Sa pagtingin ko saating larawan
Bigla na lamang tumulo ang luha saking mata
Dahil muling nagbalik ang alalala saaking utak
Na parang sinuntok pabalik saaking utak
At parang sinaksak ng napaka talas na kutsilyo ang aking puso
Nang makita ko ang larawan nating magkasama at nakangiti sa isa't isa
Pinutol na natin ang ugnayan sa isa't isa
Pero yung sakit na iyong binigay
Ay hindi maputol putol na parang pahaba pa nang pahaba
Napakasakit isipin na kung sino pa yung pinasaya mo
Siya pa yung magpapalungkot sayo
Napakasakit isipin na siya yung dating dahilan ng ngiti mo
Pero ngayon siya na yung dahilan ng pagiyak at paghikbi mo
At kung sino pa yung binuo mo
Siya pa yung wawasak sayo
Akin nang itatabi ang larawan
Sapagkat sobra na ang sakit
Para bang hinihila ka pabalik sa mapait na nakaraan
Ngunit ako'y ngingiti kahit na mapait ang sakit na dinanas ng aking puso't isip.

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon