"Pag-ibig" (Malayang tula)

232 3 0
                                        

Collaboration of:
John Henry Taboy
Marielle De Castro

Pitong letra subalit milyun-milyon ang maaaring resulta... Maaari kang sumaya, maaari ka ring lumuha...
Kapag nadama mo na, mahihirapan ka nang kumawala...
Hindi ka maaaring manghula, hindi ka maaaring magduda...

Matutong magtiwala...
Dahil maaaring mawala...
Pag-ibig na lumalala...
Kaya dapat huwag ipagsawalang bahala...

Ang pag-ibig  ay parang buhay na salita...
Maaari kang pangitiin, maaari ka ring saktan...
Ang pag-ibig nga ay parang may mata,
Ika'y tititigan, ika'y huhusgahan...

Ang pag-ibig ay parang mga paa...
Uurong o susulong ba?...
Ang pag-ibig ay parang tanikala...
Di mo namamalayan nakakasakal na...

Ang pag-ibig ay parang isang guro...
Hindi lang aral ang ituturo, pati pakikitungo...
Maaari kang ipasa, maaari kang ibagsak...
Hindi madadaan sa iyak upang magkatatak...

Ang pag-ibig ay parang libro...
Nakakawili minsa'y nakakasawa na...
Ang pag-ibig ay parang tula para sayo...
Damang dama ng ito'y aking ginawa...

Sana nga ang pag-ibig ay nakaririnig,
Nang sigaw ko'y marinig...
Dahil ang mga daing ko'y dinig na sa buong daigdig.
Sa sakit ang mga kalamnan ko'y nanginginig.

Sana nga ang pag-ibig ay nakauunawa,
Upang maunawaan ang aking nadarama
Dahil nais ko nang kumawala sa tanikala,
Pakiramdam ko'y paubos na ang aking mga luha...
 
Mga unan na aking kayakap...
Ngayo'y basang basa na...
Habang nakatingin sa alapaap...
Iniisip na ako'y nasasaktan na pala...

Sana nga ang pag-ibig ay nakakakita...
Makita kung paano ako nagdudusa,
Nagdudusa dulot ng pag-ibig na sadyang nakakairita..
Nakakairita dahil ang mga paghihirap ko'y hindi nila nakikita...

Ang pag-ibig nga'y maaari kang pangitiin at paluhain...
Sa mga pasakit at problema, ikaw ay susubukin at hahamakin...
Nasa sa'yo na ang desisyon kung anong daan ang iyong tatahakin...
Umibig nang mag-isa, o umibig nang may kapiling...

---------------------------------------
First collab. Toh hahaha Naks

Limangpu't IsaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon