Written by: Marielle M. De Castro
Hiling ko na sanay' kasama
Kasama kang tumanda
Habang buhok ay ubos na
At balat ay kulubot naHiling ko na sana'y ikaw na talaga
Hindi panandaliang saya
Kundi pang matagalang biyaya
Hindi kailan man mawawalaNgunit mukhang tutol si bathala
Dahil hindi tayo pinag-isa
Kaya pinalaya ang isa't isa
At nabuhay nang hindi magkasamaNagkaroon nang sariling pamilya
Ngunit ikaw parin sinta
Kahit alam kong hindi ito tama
Ikaw parin ang nais makasamaWala akong magawa
Ito na yata talaga
Ang plano ni bathala
Para sa ating dalawaKaya iyong tandaan na ikaw ang aking una
Ngunit hindi ang huli na syang dapat kasama
Ang sakit sinta
Na hindi tayo tinadhana
![](https://img.wattpad.com/cover/132731950-288-k836036.jpg)