Para sa lalaking aking nasaktan

20 1 0
                                    

Written by: Unknown

Ito ang tula para sa lalaking aking nasaktan
Sa lalaking aking iniwan
Sa lalaking hindi ko pinaniwalaan
Sa lalaking minsa'y sa puso ko'y nanahan

Pagmamahal mo man ay binalewala
Isipin mong ikaw ay mahalaga
Kahit hanggang kaibigan lang talaga
At hindi na hihigit pa

Sinubukan ko naman talaga
Naging tayo pa nga
Kaso may nauna na
Dito sa aking puso na patuloy na umaasa

Pasensya na
Dahil akala ko na kabilang ka sa kanila
Yung mga lalaking hindi seryoso
Yung mga lalaking manloloko

Pero teka nga
Hindi nga ba?
Baka kabilang ka nga sa kanila
At sa sobrang galing mo tila ba ako'y iyong napaniwala

Ako'y naguguluhan
Iniisip na ito'y iyong kasinungalingan
Isang kahangalan
Isang kalokohan

Mamaya pala'y biktima lamang ako
Isa sa mga niloloko mo
Ngunit kung ikaw man ay seryoso
Patawad dahil hindi ko masusuklian ito

Pinilit ko naman na tayo'y magtagal
Nagbabakasakaling ang oras ay bumagal
Ang puso ay maging hangal Upang masuklian ang iyong pagmamahal

Ngunit parang ako'y biglang hindi makapaghintay
At gusto nang magpatuloy
Magpatuloy na ako lang mag-isa
Dahil pakiramdam ko pinapaasa lang kita sa wala

Hindi ko sinasadyang ika'y saktan
Pero mas mabuti nang iyong malaman
Na kahit hindi kita mahal na tunay
Ay naging isang mahalagang parte ka sa aking buhay.

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon