Pinagtagpo pero di tinadhana

802 6 0
                                    

Written by:Marielle M. De Castro

Mahal para kang bituin sa kalangitan
Na nagbigay liwanag sa mundo kong puno nang kadiliman
Sa buhay kong nababalot ng kalungkutan
Ikaw ang nagsilbing kasiyahan

Sana iyong malaman
Na hindi ka iiwan kailanman
Madapa man at masaktan
Kahit na ikaw pa ang dahilan

Ako man ay iyong kalimutan
Mananatili ka sa aking puso't isipan
Ako man ay iyong pagtabuyan
Ikaw parin ang babalikan

Humanap kaman ng iba at ako'y palitan
Hindi parin kita susukuan
Ngunit kung sabihin mong ika'y aking pakawalan
Kahit masakit mahal ko patuloy parin akong lalaban

Sabi nila ika'y aking kalimutan
Masyado na daw akong nagtatanga tangahan
At nagbubulag bulagan sa katotohanan
Na hindi mo na ako babalikan

Wala na nga bang pag-asa ang dati nating pag-iibigan
Na maibalik sa dating walang hanggan
Ito na nga ba ang katapusan
Nang kwentong sabay nating sinimulan

Tuluyan na nga bang makakalimutan ang ating sumpaan
Na walang iwanan hanggan kamatayan
Tuluyan na nga bang ibabaon sa nakaraan
Ang mga ala-alang ating pinagsaluhan

Marahil ito na nga ang katapusan
Nang kwentong ating sinimulan
Na pinagtagpo tayo ni tadhana at pinaglaruan
Hanggang sa tayo'y magising sa katotohanang sa iba tayo nakalaan

By:Minezone_07
Hays ang sakit na hindi kayo itinadhana. Tuloy umasa ka sa wala

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon