Written by:Marielle M. De Castro
Lakad..,Takbo
Lahat ay ginawa ko..
Para makalayo
Sa isang tulad mo...
Tumayo at naglakad
Kahit saan pa ako mapadpad...
Ako'y lilipad
Mahal patawad...
Pasensya na
Kung ako'y lilisan
Dahil ito ang tama...
Upang hindi na tayo masaktan
Ayaw ko man
Ngunit wala akong magawa
Gustuhin ko mang lumaban
Hindi ko kaya...
Sabihin mo nang ako'y duwag
Tatanggapin ko nang maluwag
Basta tatandaan mo
Nag-iisa ka lang sa puso ko...
Lumayo ako
Hindi dahil ayaw ko na
Ginawa ko toh
Para may mapatunayan sa kanila
Mapatunayan na kaya kong gawin ang lahat
Na sayo'y maging karapat dapat
Ngunit sadyang tutol sila
Sa ating dalawa
Dahil ika'y langit
Na kahit anong pilit
Ay hindi ko maaabot kailanman
Kaya ako'y lalayo na nang tuluyan
Pasensya na kung ako'y mahirap
Na walang kayamanan
Na kayang iharap
Sa iyong magulang
Simula palang ay hindi na nila ako tanggap...
Dahil ako'y dukha
Na nagpapanggap
Para maabot ka
Ayoko na dumating sa punto
Na kailangan mong mamili
Kung pamilya mo o ako
Dahil ayoko na umasang muli
Kaya iiwasan na kita
At tatanggapin na hindi tayo para sa isa't isa
Dahil pinamukha sa akin ni tadhana
Na ang langit ay di maaabot nang lupa
By:Minezone_07
Ang hirap maging mahirap...
