"Kulong"

161 2 0
                                    

Written by:John Henry Taboy
Edited by:Marielle M. De Castro

Ako'y nasa rurok na ng pagiging malaya.
Ngunit pilit pa ring sinusulyapan ka mula sa bintana.
At patuloy na umaasa.
Nagbabakasakaling lumingon ka.

Hindi ko na mawari ang aking nadarama.
Nais ko nang kumawala ngunit hindi ko magawa.
Dahil nakakulong ako sa isang ideya.
Ideyang babalik ka.

Mga bangungot at sugat, buhat ng tanikala.
Ako'y ilabas mo sa madilim na hawla.
Huwag mo kong iwan na nangangamba
Na baka ang liwanag ay hindi ko na makita.

Pakiusap ako'y ilabas mo sa madilim na hawla.
Nais ko nang mawala ang aking paniniwala.
Na ang diwatang nasilayan ko'y hindi mawawala.
At sya'y mananatili sa aking tabi sa hirap at ginhawa.

Ngunit nakulong lang pala ako sa ideya.
Ideya na ako mismo ang may sala.
Kung bakit ako nasa hawla.
Dahilan kung bakit sa piling ko ika'y nawala.

------------------------------------
Hart hart😊Vote and comment I'll highly appreciate it...Love lots❤

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon