Pangakong binitawan mo

177 4 0
                                    

Written by:Marielle Miranda De Castro

Itong tula na aking ginawa
Ay para pasiyahin ka
Hindi para pakiligin ka
Kundi para ipaalala na ika'y mahalaga

Lagi mong tatandaan
Hindi man magkakilala ng lubusan
Ako'y lagi mong maaasahan
Kailanman ay hindi kita iiwan

Hindi ko alam kung sapat na nga ba ako
Para mapawi ang lungkot na nararamdaman mo
Ngunit isa lang ang aking sinisigurado
Ako'y laging nandito para sayo

Kaya wag kang mag-alala
Maubos man ang mga tala
Buwan man ay magtago
Pangako ko ay di maglalaho

Mga pangako na aking sinambit sayo
Na ngayon ay bitbit mo
Iyan ay di mapapako
Bagkus iyan ay gagawing totoo

Lumipas man ang panahon
Malagas man ang lahat ng mga dahon
Asahang darating ang tagsibol
Upang ipaalala na laging merong pag-asang hahabol

Kaya lumbay ay kalimutan mo
Pahalagahan ang sarili mo
Isipin na ako'y nandito
Mananatiling nakasuporta sayo

Ngunit lumipas ang ilang linggo
Ikaw ay biglang nagbago
Ayaw ko mang sumuko
Pero mas masaya ka ng wala ako

Yung mga pangako na sinambit ko sayo
Mga pangako na bitbit mo
Bigla mong binitawan sa isang tabi
Na para bang wala itong silbi

Kaya akin itong kinuha
Kasabay ng pag-agos nang aking mga luha
Akala ko iba ka sa kanila
Pero hindi pala

Naghintay ako
Nagbabakasakaling pangako ko'y balikan mo
Pero lumipas ang ilang buwan
Mukhang ako'y tuluyan mo nang nakalimutan

Masakit sa akin na mga pangako ko'y napako
Hindi dahil sa ako ay nagbago
Kundi dahil ibinalik mo
Dahil mas masaya ka ng wala ako...

------------------------------------
Di mo kasalanan self okay? Mas masaya sya nang wala ka kaya maging masaya ka nalang din para sa kanya...
Diba Inx?Imma pa nga ako diba sige okay lang di naman masakit😔

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon