Written by:MMDC
Sa buhay laging may lungkot
Laging may poot na bubuntot
Mga problemang sayo'y susubok
Mga salitang sayo'y manununtok
Ngunit wag kang magpaapekto
Huwag kang sumuko
Kahit pakiramdam mo'y ikaw ay talo
At wala ng pag-asang manalo
Pakiusap wag kang sumuko
Ikaw ay tumayo
Huwag kalang maupo
Subukan mong harapin lahat ng diretso
Maging matapang
Sa lahat ng mga salitang maanghang
Maging matapang
Sa lahat ng problemang nakaabang
Maging positibo
Kahit nandyan ang poot sayo
Maging kontento
Dahil ang sakit ay parte ng mundo
Pakiusap wag kang sumuko
Kahit sugatan ang iyong puso
Huwag kang yumuko
Tumingin sa kanila ng diretso
Ipakitang kaya mo
Na ilalaban mo hanggang dulo
Kahit hindi na siya ang kasama mo
Kundi para sa sarili mo.
