Hindi na nga mananatili

127 0 0
                                    

Written by:Marielle De Castro

Ako'y naliyo sa aking pagtakbo
Nang may mabangga ako
Dahilan kung bakit nahulog ako
At ang masaklap ay walang sumalo

Kaya ako'y dahan dahang tumingala
Nais kong magwala
Tumingin kung sino ang may sala
Nang sakit na hindi mawala

Agad tumama
Ang aking mga nagliliyab na mata
Sa pamilyar na mukha
Sa kulay tsokolateng mga mata

Parang bumagal ang takbo ng oras
Nararamdaman ay tuluyang umaliwalas
Galit ay hindi na bakas
Dahil luha'y biglang naglandas

Balikat ay nagsimulang yumugyog
Kasabay nang mga hikbing pilit inilulubog
Upang hindi sumabog
Mga hinanakit na sa aki'y humubog

Mabilis pa sa alas kwatro
Ang aking pagyuko
Kasabay nang aking pagtayo
At nagsimulang maglakad papalayo

Akala ko kaya ng humarap sayo
Yung tipong di na ako apektado
Sa nakaraan na mayroon pang tayo
Sa mga ala-alang iniwan mo

Hindi pa man tuluyang nakalalayo
Nang marinig ko ang boses mo
Boses na hinangaan ko
Boses na minahal ko

Puso'y nadurog
Katawan ay parang nabugbog
Nang ibang pangalan ang iyong sinambit
Gamit ang boses mong pinaliit

Halos madapa
Halos wala na ngang makita
Nang sa ibang pangalan ka naglambing
Na para bang kuting

Sobra na!
Bukod sa pinili mo sya
Bakit lahat nang iyong pinakita sa akin
Sa kanya'y pinakita mo rin

Ang batang pananalita
Ang maamong pagsasalita
Ang malambing na tono
Matang nangungusap na parang kuting na nagsusumamo

Hindi na nga mananatili
Baka sa sobrang inis ay mapatili
Dahil sa eksena nyong hindi nakakawili
Kundi nakakairita't dahil hindi ako ang napili

Hindi napili na maging bida sa eksena
Hindi napili upang maging iyong kasama
Hindi na napili upang maging prinsesa
Kaya hindi na nga mananatili pa

Kaya pinilit iwinaksi
Nais ko nang magkubli
Alam kong hindi ako ang iyong pinili
Kaya hindi na nga mananatili

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon