Written by: John Henry Taboy
Ako ang tulang gigising sayo,
Sa paraang ikabubuti mo.
Walang dulot na negatibo,
Hindi mo masasabing ika'y napasubo.Ako ang tulang magpapamulat sayo,
Pipilitin kang tapikin dahil ang iyong mata'y nakasarado.
Ipamumuka ko sa'yo ang mga negatibo.
Kaya't gumising ka na kahit hindi pa sigurado.Ako ang tulang maglalarawan sayo,
Kung paano ka ginising sa panahong ito.
Sa simpleng pagwisik ng tubig, sa pagyuyugyog nang iyong higaan, sa pagpatay nang bentilador, at pagsisindi nang palito sa paanan mo.
Itutuloy mo pa rin ba ang pagiging manhid mo?Ako ang tulang magiging dahilan ng pagbangon mo,
Mula sa simpleng panaginip na naging bangungot,
Sa kaba na ang naging resulta'y pagkatakot mo.
Hindi ka pa rin ba magbabago?-------------------------------------
Grabehan na toh hahaha Classmate ko nga pala yan galing noh😊