Written by:Venice Vendivil
Laro tayo ng Tagu-taguan, sige ako na ang taya,
Pipikit ako, maglaro na tayo
Bibilang ako isa dalawa tatlo,
Napadilat ako, natawa ako kasi natalo ako.Sige, sa pangalawang pagkakataon Bibilang ulit ako apat lima anim,
At sa pgdilat ko sabay ang sakit na iyong pinatikim.
Sakit na pilit na pinagsawalang bahala.
Pilit na binaliwala.Sige, Pipikit ulit ako at ipagpapatuloy ang bilang, pito walo siyam at sampo,
Ang makikita ko ay matatalo.
At dali dali kong dinilat ang mata ko umaasang ako ang mananalo.
Pero sa pangatlong pagkakataon talo na naman ako.Dahil ang nakita ko
Nakita ko ang mistulang litrato,
Litrato ng masayang senaryo.
Dahil don kasama mo ang babaeng nagdulot ng kasiyahan sa buong pagkatao mo.
Talo na naman ako.Teka, Hindi ko gusto na ika’y hayaan na manalo at hayaang ako’y matalo,
Kasi para sa akin ang tunay na batayan ng pagkapanalo ko sa larong to.
Ay ang hayaan kita na maging masaya kayo
Pero hahayaan ko ang sarili kong makawala sa larong ginawa mo.Sige laro ulit tayo pero sa pagkakataong ito, panalo na ako.