Written by: MMDC
Hindi makaimik
Ngunit puso'y hindi matahimik
Mga mata'y nagtataka
Mga katanungan ay nais ipagsawalang bahala
Ito'y bago lamang sa akin
Hindi alam kung ano ang ibig sabihin
Ito ba'y dapat pansinin
O dapat kalimutan at sarili'y abalahin
Nakakatakot pero nais kong subukan
Kahit dulot nito'y kapahamakan
Kahit ako'y maaaring masaktan
Kahit ito'y magiging dahilan nang aking kahirapan
Pag-ibig ba ang ngalan nito?
At puso'y halos lumukso
Hindi mawari kung dapat ba akong makaramdam nang pangamba
O patuloy na hayaan dahil tingin ko'y magdudulot ito sa akin nang saya
Ako'y pumili na nga
Na ako'y maging masaya
Sa mga bisig niya
At winaksi ang aking pangamba
Ngunit hindi nagtagal
Ang oras ay tila bumagal
Nang makita ko siya
Na may kayakap nang iba
Mundo ko'y biglang gumuho
Pagtibok nang aking puso'y nais nang himinto
Mga luha'y nagbabadya nang tumulo
Nasaan na ang kanyang pangako?
Pangako na ako lang ang kanyang iibigin
Pangako na hindi siya mawawala sa aking piling
Pangako nga naman
Bigla nalang napako sa kawalan
Ang sakit
Halos mata'y maipikit
Hinihiling na ito'y isang panaginip lamang
Na kahit anong oras ay maaari akong gumising at ito'y kalimutan na lamang
Nagkamali ba ako?
Na kilalanin ang pag-ibig
Nagkamali ba ako?
Na piliin ang kanyang bisig
Pag-ibig bakit ang lupit mo?
Bakit nais mong ako'y paiyakin nang ganito
Bakit tila balak mong ako'y pahirapan
Kahit alam mong wala akong laban
Pag-ibig ano ba ito?
Ako'y nalilito
Bakit ka ganyan?
Akala ko'y hindi mo ako pababayaan
Ngunit ako'y nagpapasalamat
Kahit na ako'y inalat
Kahit ako ma'y nasaktan
May mga ala-ala naman akong maaaring balikan
