Liwanag

14 0 0
                                    

Written by: Marielle M. De Castro

Nakakasilaw
Tila ako'y hindi makagalaw
Sa aking nakikita
Ako'y sadyang napatulala
Napahanga
Napatunganga
Sa taglay mong ganda
Na kahit ako'y hindi makapaniwala
Na isang tulad mo
Ang siyang magpapatibok ng aking puso
Na isang tulad mo
Ang magiging liwanag ng aking mundo
Liwanag na nakakahalina
Liwanag na dulot ay saya
Liwanag na napakaganda
Liwanag na nais ko sinta
Ngunit sa pagkagat ng dilim
Kung saan ang buong paligid ay nababalot ng kulay itim
Liwanag mo ang siyang naging gabay
Sa aking paglalakbay
At dahil sa galak
Ika'y nais kong handugan nang isang mahigpit na yakap
Ngunit bigla kang lumayo
Nang pagkalayo-layo
At sinabing "hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa"
Kaya ako'y naghintay sayong pagbabalik, sinta
Ngunit bakit tila ako'y iyong nakalimutan na
Tanging liwanag mo nalang ang naiwang ala-ala
Dito sa aking mundo kung saan ako'y iniwan mong mag-isa.



Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon