Written by:Marielle M. De Castro
Isang taon na pala
Simula nang tayo ay magkakilala
Hindi ako makapaniwala
Na mahuhulog ako nang ganito kalalaHindi ko naman sinasadya
Sadyang mapaglaro si tadhana
At pati puso ko ay ginambala
Ginulo ng dumating kaUmasa ako
Nung maging tayo
Kahit na ikaw ay misteryoso
Nagtiwala parin sayoHindi mo naman ako binigo
Kahit na ikaw ay seloso
Pinaramdam mo
Kung gaano ka katakot na mawala ako...Pero bakit biglang gumulo?
Bigla kang hindi nagparamdam
Nasaktan ako
Dahil hindi ka man lang nagpaalam...Nag-alala ako
Baka kung ano na ang nangyari sayo
Lumipas ang ilang buwan
Akala ko'y tuluyan mo na akong nakalimutan..Pero hindi pala
Dahil bumalik ka
Kaso bakit may nagbago?
Hindi na ikaw ang minahal ko...Hanggang sa hindi ko namamalayan
Ako na pala ay nasasaktan
Dahil parang ako na lang ang lumalaban
Sa ating pag-iibigan...Wala nang saysay
Kung patuloy akong maghihintay
Sa katulad mong walang kasiguraduhan
Na hindi ako iiwan...Gusto ko pang lumaban
Dahil umaasa parin ako
Na maibalik ang dati nating pagmamahalan
Pero mukhang pagod na ako...Pagod na akong maghintay at umasa sayo...
Dahil pakiramdam ko ay balewala ako
Sa isang tulad mo
Na bigla nalang nagbago...Sana hindi ka nalang nangako...
Kase lahat napako
Nagtiwala ako sayo
Pero sinira moSana hindi ka na lang dumating sa buhay ko
Pero bakit parang mali ata yung sinabi ko?
Sana hindi mo nalang ako pinaasa sa mga pangako mo....
Pero kahit ganon naging masaya ako ...Kaya ngayon ay pipiliin kong maging masaya
Kahit wala ka na
Papakawalan na kita
At tuluyan na kitang pinapalaya...Masakit pero kakayanin ko para sayo...
Baka kase di kana masaya sa piling ko...
Kaya sana huli nato...
Na aasa at maghihintay pa ako sayo...Maraming salamat sa pagdating mo...
Kahit na nadurog ang aking puso...
Dahil yung dating walang hanggan..
Tila ba nagkaroon na nang katapusan....By:Minezone_07
Wala na finish na....