Akda nang Alaala

210 2 0
                                    

Written by: Jasmine Milar

Mahal Naalala mo pa ba?
Yung biglaan naging tayo na tila di  nga maayos na nagsimula
Walang tiyak na proseso
Na mapagsasama ang ikaw at ako

Di makapaniwala kung ito pa ba’y totoo
Dahit tila isang panaginip na maging tayo
Tila malayo sa realidad
Na sa umpisa nga’y inakalang nararamdaman ay mawawala rin agad

Inaasahan na isa lamang itong pagkamangha
Ngunit teka ang rason na ito ay di rin ata akma
Nung unang masilayan tila ordinaryo lamang
Di nga ako naakit at ika’y hinusgahan

Natatandaan ko pa nga ako’y may napupusuan nang iba
Naghihintay na ako’y mapansin nya
Ngunit tadhana nga’y tila mapaglaro
Kasing bilis ng panahon ,puso ko’y biglang nagbago

Isip ko'y nagulumihan,di masagot ang mga  katanungan
Bakit ang presensya mo’y unti unti ko nang nasisilayan
Pilit na isinasantabi
Nararamdama’y iwinawaksi

Nagbubulag bulagan sa nararamdaman
Pilit na pinawawala at ipinagtatabuyan
Sa bandang huli ,sarili’y napakahangal
At eto ngayon sa pag ibig ay sumusugal

Nasa kalagitnaan na ko ng tulang ito
Gusto ko lamang sabihin at iparating sayo
Puno nga mga pagbabakasakali
Na gustong gustong mamithi

Oo makata ako
Pero alam mo ba ng ikinatatakot ko
Na sana di tulad ng mga sinusulat ko
Sana di umabot sa punto na magwawakas tayo

Sana tulad tayo ng ibang mga akda
Yung may mga problema pero kalaunan ay nasusulusyunan
Sana tulad lang tayo ng kwentong sa huli’y magiging masaya
Di tulad ng iba na punong puno ng kalungkutan

Sa mga araw pa na lilipas
Asahan mong pag ibig ko sayo’y hindi kukupas Di na ito magbabago
Na sa wari ko nga’y di na mabubura to

Mahal kita na hiling ko ika’y ganun din
Ang nararamdaman mo sakin
Kung di mo man alam to pwes ngayon ay  isisiwalat
Kung gaano kita kamahal sana ngayon ika’y mamulat

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon