Kupal Ka!

124 1 0
                                    

Written by: Marielle Miranda De Castro

Itong tula'y ginawa
Upang sayo'y ipadama
Kung gaano ka kahalaga
Kahit na kupal ka

Ako'y lagi mong pinapasaya
Kahit di mo naman sinasadya
Minsan ay mukha kang tanga
Pero gwapo ka pa ring kupal ka

Akala ko ay wala lang ito
Yung biglang pagsulpot mo sa aking mundo
Pero mukhang nagkamali ako
Dahil mundo ko'y iyong ginulo

Gusto na nga ba kita?
Pero wag naman sana
Mahal na nga ba kita?
Hindi maaari kupal ka

Kupal kang nilalang ka
Sarap mo itago sa aking bulsa
O kaya ipatapon sa Mars para masaya
Tapos papasabugin ko yung Mars kasama ka

Pero syempre Charot lang naman
Laki mo kayang kawalan
Edi wala na akong clown sa paaralan
Kung ika'y aking pababayaan

Kupal kang nilalang ka
Sabi ko I hate you
Kase gigil ka sobra
tapos sinagot mo ng I love you...

Sapak you want?
Paraparaan ka
Ayan there is a lot of ant
Nikakagat na ako kupal ka

Kaso naalala ko
Marupok pala ako
Baka pag tuluyan akong nahulog sayo
Hindi mo ako masalo

Tapos durog na naman puso ko
Magiging bitter na naman ako
Madadamay na naman ang mga lalaki sa mundo
At masasabihan paasa kayo

Kaya habang hindi pa ako
nahuhulog sayo
Ay aahon na ako
Habang kaya ko pa
Pipigilan ko na yung puso ko na magustuhan ka

Kaya pakiusap makisama ka
Wag kang pa-fall
Alam mo namang kupal ka
Sarap mo ihampas sa wall

Tama na nga to
Baka isipin mong baliw ako sayo
Pero parang ganon na nga
Kupal ka kaseng nilalang ka

--------------------------------------

HAHAHAHAHA KUPAL KASE😑😂

Limangpu't IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon