Arzella Leonis POV
"Pano na yan? Mukhang sisirain talaga ni Drey Caelan yung career mo, Zelli!" Concern na sabi ni Heina saken.
"Ano ba kase ang pumasok sa kukote mo at sukat ba naman na doon ka pa sa kotse niya nanalamin! At take note lang ha! Ikaw nanga itong nakigamit sa side mirror niya! Mantakin mo ba naman na sirain mo pa! Kaloka ka!" Banat naman ni Sharlot saken.
"Please lang Sha! Hindi ko rin naman ginusto ang nangyare eh! Malay ko ba na sakanya yung magarang sasakyan na yun! If ever lang na alam ko na kanya yun. Bah! Hindi siguro mangyayare ang problemang ito! Kaso ala na eh! Nangyare nanga! Di ba! Kaya pwede ba! Bilang mga friends ko. Maging suportive ka na lang saken! Kase sa bahay! Puro sermon nanga ang inaabot ko!" Himutok ko.
Sabay talumbaba sa harap ng mga ito.
"Ow! Wawa naman ang bebe Zelli!" Niyakap pa ako ni Heina.
Tuloy para akong bata na ngumuso.
"Once na mabayaran ko na yung damage na nasira ko sa impaktitong lalaking yun! For sure baka tigilan na rin ako. Di ba? Kaso ayaw makisama saken nila Mummy eh. Ayaw akong bigyan ng pera. Tapos sabi niya, bagay lang daw saken ang nangyayareng to. Para daw magising na ako sa katotohanan na tigilan ko na ang kababawan na pangarap ko!" Paglalabas ko parin ng sama ng loob ko sa mga ito.
"Ay sus! Alam mo naman si Tita Marah. Hindi talaga niya bet ang mag modelo ka at higit sa lahat. Maging artista. Kunsabagay, may punto din siya. Kase magulo naman talaga yan eh! Kita mo. Di ka pa nga masyadong sumisikat ng bonga! Tignan mo at kaliwa't kanan kaagad ang kontrobersya na kinakaharap mo! Susko day! Ang daming haters na gumagawa ng memes mo sa social media!" Ani Sharlot.
Konting konti na lang talaga, sasabunutan ko na ang isang ito!
"And even na yung mga ka-schoolmate nating babae.... Inis din sayo Zelli bebe!" Si Heina na inayos ayos pa ang buhok ko.
"Grrrrrr! Kakagigil talaga ang lalaking yun! Oras talaga na makakuha ako ng pera! Isasampal ko yun sa pagmumukha niya---"
"WAG!" Halos sabay na sigaw nila Sharlot at Heina saken.
Kaya naman ang sama ng pagkakatingin ko sakanilang dalawa.
"Don't tell me, crush nyo pa ang gagong yun?!" Nakalukot ang ilong na tanong ko sakanila.
"Ay wait! Ubos na pala ang softdrinks ko! Teka! Bibili ulit ako! Sandali lang ha!" Mabilis na tumalilis paalis si Heina.
Meanwhile nagkunwari naman si Sharlot na may kausap sa cellphone nito.
Sa inis ko inagaw ko dito yung phone niya, sabay hila sa natural na yatang buhaghag na buhok nito!

BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
Ngẫu nhiênBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...