Keroshino Lacrimas POV
Sa dalawang linggo na lumipas, napansin ko na hindi makapag concentrate ng maayos si Dreyd sa trabaho nito!
Sa tuwing magsisimula ito na sabihin yung mga lines niya sa mga eksena niya..... Nakakalimutan nito bigla yung mga kinabisado niyang linya, at sa tuwina napapamura pa ito at halatang gustong gustong magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya.
Kaya ng mapansin ng direktor na useless na ituloy ang mga eksena ni Dreyd. Talagang kinausap nito ng masinsinan si Dreyd na mag pahinga muna ito at mag relax-relax na muna. Sa palagay kase ng direktor, parang may problema daw si Dreyd ngayon. Bagay na totoo naman talaga.
Nang subukan ko namang kausapin ito, ayaw naman nitong sabihin saakin yung problema niya. Kaya nga ang hula ko, baka iniisip nanaman nito yung balita na sinabi sakanya ni Prince Danier ng pumunta ito dito bigla.
Hindi lingid saakin na pinag-usapan nila si Ameriah. Dinig na dinig ko panga ng sabihin ni Danier na may bago ng nobyo si Ameriah. Ibang klase rin talaga ang babaeng yun! Hindi ko kase maintindihan kay Dreyd kung ano ang nakita niya sa isang yun, samantalang bago pa niya maging nobya yun.... Ang alam ko, kay Dirk o kay Dithor yata muna si Ameriah.
Ah basta.... Hindi ko na matandaan kung sino ang nauna sa buhay ni Ameriah.
Ikalawang hula ko naman..... Baka tungkol nanaman kay Dirk ang iniisip ni Dreyd. Pero imposible.... Dahil kung tungkol kay Dirk yun, malamang umuusok nanaman ang ilong nito sa galit.
Hindi kase talaga matanggap nito yung ginawang pagpatay kay Dirk. And worst nanguna pa sa pagpatay kay Dirk, si King Diland.... Hindi talaga ine-expect ni Dreyd ang bagay na iyon, dahil alam ng lahat ng mga nilalang sa Novaliz, maski na ako, kung gaano ka-close si Dirk kay King Diland....
Kaya talaga mahirap tanggapin ang nangyari dito. Pero sabi nga ni Prince Damian.... Oras na para tanggapin ni Dreyd ang katotohanan na hindi na maibabalik ng pagrerebelde niya ang nangyari kay Dirk.
Dahil sa huli, patay na rin naman ito. Pero iginigiit talaga ni Dreyd na imposible para sa isang katulad ni Dirk ang mawala nalang ng ganoon kadali.
Kunsabagay, kung minsan may punto naman si Dreyd eh.... Maski na nga ako, napapaisip kung wala na ba talaga si Dirk. Pero mahirap lang din talagang umasa!
"Kero! Kamusta si Drey?!"
Napatingin ako kay Sienna.
Hanggang ngayon halatang umaasa parin ang isang ito na may pag asa pa siya kay Dreyd. Kaya kahit naiinis din ako sa ugali ng babaeng ito. Hindi ko parin maiwasan na hindi maawa dito. Kase napaka imposible talaga na mabaling dito yung feelings ni Drey.
After all.... Isa paring wolf si Drey. Para sakanya, si Ameriah na yung kapareha niya!

BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RastgeleBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...