Chapter 40

153 7 0
                                    



Arzella Leonis POV


Nang magising ako, dama ko parin sa sarili ko yung labis na saya na naramdaman ko, dulot ng mga sinabi ni Dreyd saakin na subukan naming maging kaming dalawa. Kaya siguro sa sobrang saya ko, hindi na ulit ako binangungot! At bagkus, puro magaganda na lang ang napanaginipan ko.


At siyempre, kasa-kasama ko parin si Dreyd sa mga panaginip ko. Kaya feeling ko ang haba-haba na ng hair ko! Lalo na ng maalala ko ang mga sinabi nito saakin kagabi. Kaya naman napangiti ako ng ubod ng tamis sabay yakap sa unan ko.


Susmio! Hanggang ngayon, piling ko..... para parin akong nakalutang sa mga ulap! Kaya kahit maling mali na mag saya ako ng sobra-sobra, hindi ko talaga magawang mapigilan ang sarili ko eh! Kase naman, sino ba ang mag aakala na ito pa mismo ang magsasabi saakin na subukan naming dalawa!


Samantalang ito pa nga unang lumayo saakin ng malaman niya na may feelings ako sakanya. Sa isang iglap, ang bilis bumaligtad ng pagkakataon para saakin.


Alam mo baby ko, blessing ka talaga sa Mommy! Dahil sayo, magiging happy na rin siya sa wakas!


Sigurado ako na sa pagkakataong ito. Liligaya na ako! Walang duda yun! Kaya mas lalong hindi ko na pinagsisihan yung gabing yun. Dahil doon heto ako ngayon! Yun lang. Maraming naging kapalit.....


Lumungkot tuloy ako ng maisip ko ang pamilya ko. Sigurado, baka galit silang lahat saakin....


Sana balang araw, mapatawad din nila ako. Lalo na si Mummy.... Sana maunawaan niya na nagmahal lang naman ako, kaya ko to nagawa sakanya. Kung nalaman ko lang naman kase ng mas maaga kung sino si Dreyd.


Eh di sana, hindi to mangyayari!


Pero duda ako. Kung talagang naka nakatadhana kayo para sa isa't isa.... Kahit anong mangyari kayo't kayo parin talaga. Tama! Yun nga yun! Kase kung hindi kami ni Dreyd para sa isa't isa.... Bakit naman kami nito pagtatagpuin na dalawa?! Ibig sabihin lang non.... Kayo talaga ang nilaan para sa isa't isa! O di ba bonga ka!


Ngumiti ako ng sobrang lawak! Sabay higa ng patiyaha! Para lang magulat ng biglang may pumatong na mabigat na kamay sa may ibaba ng dibdib ko!


Kaya naman nagmamadaling inabot ko yung switch ng lampshade para buksan yun. At ganoon na lang ang gulat at saya ko ng makita ko na nasa tabi ko parin pala si Dreyd!


Awwww!


Tulog na tulog ito at halatang payapang payapa ito!


Ang akala ko ng makatulog ako kagabi, umalis na ito para bumalik sa sarili niyang kuwarto. Yun pala, talaga palang sasamahan ako nito. Kinilig naman ako!


At mukhang tinotoo nga nito ang sinabi niya saakin na wala siyang gagawin na kahit ano, so meaning nagpaka-gentleman saken ang irog ko habang natutulog ako!

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon