Chapter 2

314 13 0
                                    



Arzella Leonis POV


Shucks! Ang malas! Ba't wala yata sa mga ni-review ko itong mga tanong sa exam namin?! Naman! Babagsak pa yata ako nito eh! Talaga naman kapag minamalas! Tiyak lagot nanaman ako nito eh! Kaasar naman si Prof! Nanadya yata eh! Ano ba yan!


Tuloy sa sobrang frustration ko, wala sa loob na napakamot na lang ako sa ulo ko. Sabay buga ng marahas na hangin sa bibig ko habang tinitignan ko ulit yung mga tanong sa exam, na para bang may pag asa pa yun na mabago.


Asa ka pa! Ano ka? May magic para mabago mo yan?! Kaasar! Sana pala dinobol ko yung pag tse-tsek sa mga reviwer na binigay saamin. Pero sure naman ako sa mga na review ko ah! Siguro sinadya talaga to ni Prof! Ibang klase din eh! Sarap pitikin sa ears! Haaaay!


Kung pwede lang dinukdok ko na sa ibabaw ng lamesa ko ang mukha ko. Kaso baka naman kapag ginawa ko yun, baka naman magasgasan ang napaka-gandang fez ko! Wag na lang! May balak pa kase akong mag audition mamaya!


So ano na?! Bagsak na lang ang peg ko! Ganun?! Haaaaaaay! Tiyak sermon nanaman ang aabutin ko nito kela Mummy! Kesyo ganito! Kesyo ganyan! Nyetaaaaaa! Tapos kapag minalas pa talaga ako! Baka tawagan pa ni Mummy si Ate Misia! Yikes!


Gusto ko na yatang maiyak!


Hindi Zella! Hindi ka babagsak! Gumawa ka ng paraan girl! Isip! Umisip ka ng paraan para mapasa mo yang lintek na exam na yan! Dali! Isip! Isip! Aaaaaah! Tama! Ganoon nga!


Ngumiti ako na parang demonya.


Bahala na! No guts! No glory!


Isang mabilisang tingin ang ginawa ko sa prof namin na mukhang abala sa kung ano mang sinusulat nito sa notebook niya. Ayos! This is it!


Nang matiyak ko na hindi nito mahuhuli ang gagawin ko. Doon ko na sinimulang gawin ang binabalak ko.


Swerte parin dahil nasa may unahang bahagi ko ang pinaka matalino sa mga kaklase ko. Yun nga lang nuknukan ng pagka-suplado ang isang ito. Pero dahil desperada ako. Bahala na! Halos magkandahaba ang leeg ko sa kakasilip sa mga sagot nito.


Pero sadyang madamot yata talaga ang isang ito, dahil kuntodo pa ang pagtatakip nito sa test paper niya!


Hah! Hindi ka makakalusot saakin tabachoy! Makokopyahan din kita! Wahahahahaha!


"Psst! Ronrald!" Mahinang tawag ko dito.


Kung sakale man na hindi ito lumingon, talagang babatukan ko ito kahit gaano pa kasuplado ang tabachoy na ito. Pero buti at lumingon si taba!


"Ano yun?" Nakakunot at mahinang tanong nito saakin.


The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon