Arzella Leonis POV
Totoo nga pala talaga.... Ang laki laki na ng ipinagbago ng Insomnia. Ibang iba na ito sa Insomnia na kinagisnan ko noon. Kunsabagay, sa dami nga naman ng nangyari dito. Hindi na kataka-taka at malaki ang magiging pagbabago nito.
Pero ano ba ang pakialam ko? Sa dami nanga nang gumugulo sa isip ko. Nagawa ko pang punahin toh! Ibang klase din ako noh?! Wag kayong mag aalala.... Kung nagsisimula na kayong maasar saakin. Mas higit akong naasar sa sarili ko.
Pasensyahan na lang tayo. Ganito talaga kapag sawi ka! Kung hindi mo ko naiintindihan, ibig sabihin lang non. Di mo pa na e-experience yung nararanasan ko ngayon. Kaya lumayas ka na lang at maghanap ng iba mong pagkakabahalan!
Pero uy ha! Joke ko lang yun. Wag nyo kong layasan! Please?! Sawi nanga ako.... Mawawalan pa ako ng suporter dito!
Ano ba yan! Para na akong siraulo dito eh! Pati kayo kinakausap ko na.....
"Kamusta na kaya siya?" Bigla kong naitanong.
Ang saya naman.... Nagawa ko pang isipin kung kamusta na ba siya.... Samantalang ako... Heto't kinukulong ang sarili sa loob ng bahay. Hindi nanga ako halos lumalabas at mas gusto ko lang ang magkulong dito. Kailan nga ba ng huling beses akong lumabas sa bahay? Nung nakaraang araw ba? Nung isang araw? Haaaaaaaay! Hindi ko na matandaan!
Ah mali.... Maski na yung mga araw at petsa.... Hindi ko na rin alam... Basta para bang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay.
Kaya sigurado ako, sa pagbalik ko sa Lestallum.... Baka wala na akong babalikan dun na kahit ano. Sa career ko.... Sa pag-aaral ko.... Sa bahay namin dun. At higit sa lahat....
"Si Drey nanaman?!" Tanong ko.
Hihiga ulit sana ako, dahil para bang may humihila saken na humiga at matulog na lang ulit. Kaso hindi pa ako nakakahiga ng bigla akong makarinig ng sunod-sunod at malalakas na katok mula sa may labas ng pinto!
"Wala ako sa mood, Uncle Cor!" Matamlay na sabi ko dito.
Sino pa ba ang kakatok sa labas, eh si Uncle Cor lang naman ang kasama ko dito.
"Arzella! Open this door, right now!"
Napahumindig ako ng marinig ko ang maawtoridad na boses ni Ate Misia sa may labas! Wala sa loob na nakagat ko ang mga daliri ko habang takot na takot na nagsumiksik ako sa higaan ko.
Lagot!
"Arzella! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Open this door! Right now! Or else---"
Kahit nahihintakutan na ako, binuksan ko na rin yung pinto. Bago pa pag initin lalo ang ulo ni Ate Misia.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RandomBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...