Arzella Leonis POV
Naramdaman ko na para bang napakalamig ng buong paligid, kaya naman ng maramdaman ko na para bang mayroong bumabagsak na butil ng yelo sa may mukha ko. Dahan-dahan, minulat ko ang mga mata ko.
At bumungad ulit saakin ang isang lugar na kailanman, hindi ko pa napupuntahan.... Kaya naman kahit pupungas pungas pa, bumangon ako at nilinga ko sa buong paligid ang tingin ko. Pero halos lahat ng makita ko, balot ng makapal na yelo.
Pati yung mga nagtataasang puno sa paligid ko, hindi rin nakaligtas sa makapal na niyebe na bumalot dito. Pero kakatwa, sa kabila ng sobrang lamig sa buong paligid ko. Kataka-taka at para bang hindi ako tinatablan man lang ng ginaw.
Samantalang ng tignan ko ang sarili ko, hindi naman panlamig yung suot ko.... At bagkus napakanipis lang ng bestidang suot ko eh......Ah teka.... Mali, hindi pala bestida ang suot ko, sa tingin ko parang kamison lang yata to eh?!
Tuloy ng ma realize ko na ganoon lang ang suot ko. Natural natakot ako at baka mayroong makakita saakin, na ganito lang ang itsura ko. Kaya naman halos mataranta ako, kung papaano ko tatakpan ang sarili ko.
Salamat at mahaba ang buhok ko, kahit papaano makakatulong ito na takpan ang bahagi ng dibdib ko na halos humahakab na ang hugis at laki nito, at hindi lang yun, bumabakat din yung nipples ko sa suot kong kamison..... Putik!
Walang duda! Kapag mayroong nakakita saakin, baka isipin na nang aakit pa ako! Pambihira!
At bukod sa napansin ko na isang puti at manipis lang na kamison ang suot ko. Napuna ko na rin na nakayapak lang din pala ako.
"Anyare?!" Tanong ko.
Kakaiba talaga ang nangyayareng ito saakin. Kumbaga kakatwa talaga! Ang hirap ipaliwanag!
Hanggang sa maagaw ng makakapal na buhos ng niyebe ang pansin ko. Kung kanina, banayad lang at butil butil lang ang ibinabagsak na yelo, ngayon iba na! At dahil makakapal na yun, ang bilis tuloy kumapal ng yelo sa lupa.
Mas lalo nitong tinabunan yung mga nakalitaw pang mga naglalakihang bato doon, pati mga puno sa paligid.... Parang kaya na rin nitong takpan kung tutuusin, kapag nag patuloy to. Panigurado matatabunan nito ang lahat ng mga bagay na nakikita ko.
Sa naisip ko, para bang bigla akong nakaramdaman ng kakaibang takot na hindi ko maipaliwanag. Kaya naman nagmamadaling umalis ako dito!
Sa bawat hakbang na ginagawa ko, lumulubog ang mga paa ko. Kaya nahirapan talaga ako sa pag alis dito.
Hanggang sa maramdaman ko na para bang mayroong kakaiba sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RandomBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...