Arzella Leonis POV
"Hindi ako pwedeng sumama sayo ngayon Sir! May klase pa ako! At kapag hindi ako nakapasok ngayon, siguradong lagot nanaman ako sa----"
"Then pupunta tayo ngayon din sa school mo para maipagpaalam ka. Satisfied?" Halatang naiirita na ito saken.
Pwes kung naiirita ito saken! Mas naiirita din ako dito ngayon!
"Wala sa usapan natin na pati ang pag-aaral ko ay kailangang mag adjust sayo! Ano ba?! Malinaw ang usapan natin na kapag tapos na ang klase ko, saka ako pupunta----"
"Lestallum University. Am I right?" Sa ikalawang pagkakataon muli nitong pinutol ang pagsasalita ko.
"Naman Sir Drey! Ano ba kase ang kailangan mo at umagang umaga nagsisimula ka nanamang---"
"Do I need to remind you who is the master here?" Ikatlong pag interrupt nito saken.
Nakuuuuuuu! Kakagigil ka talaga! Ang sarap mong upakan ngayon, alam mo ba yun?! Pero siyempre hindi! Eh di kapag nalaman niyang kating kati na ang mga kuko ko na kalmutin siya ngayon, baka kung ano pa ang gawin nito saken!
Pero asar lang talaga! Kase badtrip nanga ang umaga ko dahil sa naging sagutin namin kanina ni Mummy. Tapos hindi pa ako nakakabawi, heto naman ang susunod na titirada saken! Nyeta! Sana hindi na lang ako ginising ni Mommita! Eh di sana nagawa ko pang makita yung mukha ng misteryosong lalaki sa panaginip ko! Badtrip talaga!
"Sir hindi na ninyo kailangan pang ipaalala saken sa inaraw-araw ng pagkikita natin kung sino ang master saating dalawa! Dahil malinaw ko pong naiintindihan na kayo ang master ko dahil mayroon tayong deal na pinag-usapan! Kaso utang na loob lang Sir! Kailangan ko talagang pumasok ngayon eh!" Sabi ko.
Actually wala naman kaming gawain ngayon sa school, dahil tapos na ang lahat ng exams namin para sa buwan na ito. Kaso dahil ayokong makasama ito, gagawin ko talaga ang lahat wag lang makasama muna ito ngayon! Kase baka wala pang tanghale, drain na drain na kaagad ang energy ko!
Ayoko namang magmukhang nalaspag na gulay kapag umuwi ako mamaya sa bahay! Kapag nagkataon, mas lalong magngingitngit sa galit si Mummy! And worst baka kung ano pa ang magawa nito at tuluyan ng masira ang mga pangarap ko! No way! Gusto ko pang maging best actress!
"When I say I need you. Just shut the fuck up! Will you?!" Aniya na halos magpatalon saken mula sa kinauupuan ko.
Ano ba yan! Mukhang wala na yata akong magagawa! Kainis! Buwisit ka talagang lalaki ka! Masyado kang pasikat! Alam mo ba yun?!
"Kung umasta, kala mo siya ang prinsipe ng bansang toh!" Di ko napigilang ibulong sa sarili ko.
"What are you saying?" Masungit na tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
CasualeBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...