Arzella Leonis POV
"You're late."
Halos mapalundag pa ako sa gulat ng bigla kong marinig ang boses ni Drey Caelan mula sa may likuran ko.
Susmio! Sinigurado ko naman na dahan-dahan ko lang binuksan yung pinto! Pero mukhang narinig parin nito! Ano ba yan!
Balak ko sanang magpangap na nasa may kusina ako nito at nagsisimula ng mag luto ng breakfast nito! Kaso mukhang sablay ang balak ko dahil maaga pala talaga itong magising, katulad ng sinabi saken ni Keroshino!
Halos mag iisang linggo palang yata ako ng mag simula akong maging personal 'alalay' nito! At sa loob palang ng maikling mga araw na yun. Parang gusto ko na yatang magsisisi na pumayag ako sa kagustuhan nito na sa ganitong paraan ako mag bayad ng atraso sakanya!
Pero anong magagawa ko! Sa yaman talaga nito. Hindi nga nito kakailangan ang bayad ko na pera! Kaya siguro mas bet niyang pahirapan na lang ako! Asar! Kung hindi lang masisira ang career ang mga pangarap ko! Malabo talaga na gawin ko ang kagagahan na toh promise!
Grrrrrr! Kakagigil talaga ng lalaking to! Kung hindi lang talaga dahil sa pangarap ko na maging isang sikat na artista! Hah! Nunca talaga na pumayag ako sa kagagahan na toh! Biruin nyo yun! Sabadong sabado! Wala akong pasok! Dapat pahinga ko toh! Kaasar! Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras! Hinding hindi talaga ako magsasalamin sa side mirror ng sasakyan nito! Buwisit!
At kahit gusto kong sumimangot pagharap dito, hindi pwede! Kaya kahit labag man sa loob ko. Nakangiti akong dahang-dahan na humarap dito, para lang matilihan ng makita ko na pawisan ito at bahagya pang humihingal-hingal! Pupusta ako na kagagaling lang nito sa pag wo-work out niya! Unless... Ibang work out ang ginawa nito!
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
"You know what. Kung nahihirapan ka sa mga simpleng rules ko sayo. Tumigil kana, pero asahan mo na wala na ang mga pangarap mo, once na sumuko ka."
"Ha?" Natanga ako.
Nakita ko nanaman ang pamilyar ng pagkairita ng mukha nito saken.
"Never mind. Gawan mo na lang ako ng breakfast. Then after that, ayusin mo na yung mga gamit ko. May shooting pa ako nito mamayang tanghale." Yun lang at tinalikuran na ako nito.
Syet! Sayang! Ang sarap pa naman sana niyang pagmasdan kapag ganoon ang itsura niya!
Malakas na pinilig ko ang ulo ko.
"Ano ba gaga! Hayan ka nanaman eh! Pwede ba! Tigilan mo nanga yang pagpapantasya mo sa ulol na yun!" Sermon ko sa sarili ko.
"And by the way."
Halos mapalundag ulit ako sa gulat ng mag balik ito.

BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
CasualeBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...