Chapter 28

125 6 0
                                    



Arzella Leonis POV


Hindi pa man ako nakakalapit, nagsimula ng bumalong yung mga luha ko. At para bang bumalik ulit ako sa pagkabata ng umiyak akong lumuhod sa harap ng puntod ni Daddy!


"I'm sorry po. Sorry po talaga, Daddy." Umiiyak na sabi ko.


Magulo man ang isip ko, ang lugar na lang na ito ang malinaw na maaari kong puntahan. Dito man lang, panigurado akong makakapag-isip ako ng tama. Dahil kahit saan yata ako mag punta, palagi na lang akong sinusundan ng gulo at problema!


"Naging bad girl nanaman po si Zella. Marami nanaman po siyang nagawang kasalanan, at this time p-po.... Mas malala yung nagawa niyang mali." Patuloy ko.


Sa sobrang tagal na rin naming hindi napupunta dito, hindi nanamin masyadong naalagaan ang puntod ni Daddy. Kaya naman hinawi ko yung mga dahon na tumatabing na sa lapida nito.


"Okay lang po na magalit kayo saakin. Sorry talaga Daddy.... Hindi ko po kase alam eh. Kahit na kailan, ako po talaga ang pinaka boba sa lahat ng anak nyo eh." Sumingot-singhot ako.


Sino ba kase ang mag aakala na anak ni Diland si Drey?! O baka naman talagang boba ako kaya hindi ko naisip yun. Dapat napansin ko na kakaiba yung ikinilos ni Kero ng bangitin ko sakanya si Diland. Pero dahil tanga ako..... At hindi malakas yung instinct katulad ni Ate Misia..... Heto tuloy ang napala ko.


"If ever lang po na nalaman ko yun kaagad.... Hindi ko po hahayaan ang sarili ko na..... " Hindi ko matuloy-tuloy yung gusto kong sabihin kay Daddy.


Pakiramdam ko nanliliit ako sa harap niya. Kase deep inside, para bang nag traydor ako sa Daddy ko.


Kase nagkagusto ako sa anak ng lalaking naging dahilan kung bakit nagkasira-sira yung pamilya namin.


Kung hindi nito ginawa yun sa Mummy ko. Sana masaya pa kami.... Sana hindi naghiwalay sila Mummy at Daddy..... At sana buhay pa si Dad!


"Napaka salbahe ko pong anak! Kase Daddy...." Sa kabila ng katotohanan na alam ko na anak siya ni Diland.... Bakit ganun?! Hindi ko magawang..... Magawang magalit sakanya?!


Piling ko tuloy ako na ang pinakawalang hiyang anak sa buong mundo!


Ito na siguro yung karma ko sa mga kalokohang pinag-gagawa ko noon!


"Sabi ko na. Dito lang kita mahahanap na bata ka."


Napatayo ako ng tuwid sabay lingon ng marinig ko ang boses ni Uncle Cor!


"U-Uncle C-Cor!"


Nakita ko na nagkamot ng ulo si Uncle Cor, sabay lapit nito sa may puntod ni Daddy.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon