Arzella Leonis POV
Pakiramdam ko parang mas lalong lumamig ang buong paligid ng tumigil kaming dalawa ni Dreyd sa harap ng saradong pinto ng throne room, kung saan sa likod ng pintong yun..... Naghihintay saamin si Diland Reid Wulfric.
Kami nalang dalawa ang papasok dito, dahil mas minabuti na lang ni Dreyd na huwag ng isama pa dito si Keroshino. Kaya naman kay Kero ko na lang ibinilin yung kuting na sumama saakin.
Habang si Maestro Nurkos naman, nauna ng pumunta dito kanina. Dahil mayroon pang inasikaso si Dreyd kanina, kaya delay pa ng kaunti ang pagpunta namin dito. Pero ngayon wala ng delay-delay pa. Talagang ito na yun. Makakaharap ko na rin sa wakas ang Diland Reid Wulfric na iyon!
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, ngayong makakaharap ko na rin sa wakas ang lalaking sumira sa masayang pamilya namin.
Magagalit ba ako o dapat akong matakot? Dapat ba sumama ako kay Dreyd sa loob? O maiwan na lang ako dito sa labas! Pero nandito na ako eh. Dapat ko pa bang takbuhan to? Sa pagpasok ko sa buhay ni Dreyd. Imposibleng matakbuhan ko pa si Diland.
Kahit ano pang gawin ko. Parte na talaga ang Diland na yun ng buhay ko. Mula noon hanggang ngayon.
"Relax. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan, trust me." Narinig ko na sabi ni Dreyd saakin.
Pagkuwan ay naramdaman ko na pinisil nito ang isang kamay kong hawak hawak nanaman niya.
Kaya kahit dinadaga na ng sobra ang puso ko at napupuno yun ng agam agam ngayon, dahil sa mga sinasabi nito. Nawawala yun at napapalitan yun ng lakas ng loob. Dahil alam ko na totoo ang sinasabi nito, na hindi ako nito pababayaan.
"Halika na, nang matapos na to kaagad!" Sabi niya.
Tumango ako sabay hinga ng malalim.
Nakita ko na sumenyas na si Dreyd sa mga royal guards na nagbabantay sa may pinto. Magalang namang yumukod ang mga ito kay Dreyd, pagkuwan ay binuksan na nila ang pinto ng throne room.
Pagkabukas non, kaagad na inanunsyo ng tagapagbantay dito ang presensya ni Dreyd.
Kaya naman ng pagpasok namin sa loob, para akong naestatwa bigla. Kase hindi ko inaasahan na marami palang mga tao o nilalang dito sa loob ng throne room.
Ang buong akala ko, tanging si Diland lang naghihintay saamin doon! Pero kitang kita naman na nagkamali pala ako ng inisip ko.
"C'mon. Don't mind them." Ani Dreyd sabay yakag saakin.
"Dreyd. I think hindi magandang idea kung sabay tayong mag lalakad. Hindi ba mayroong protocol na----"

BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RandomBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...