Chapter 18

106 4 0
                                    



Arzella Leonis POV


Salamat naman at mukhang umaayon sa akin ang araw na ito. Kase si Professor Marlet ang teacher namin para sa araw na ito. At least kahit papaano magagawa ni Professor Marlet na libangin yung isip ko. Paano kase napaka masayahin at talaga namang napaka energetic nitong guro.


Kaya nga halos lahat kaming magkakaklase, paborito ito at talaga namang halos lahat kami ay talaga namang kompleto, basta ito ang naka sched na subject teacher namin.


Kaya halos buong durasyon ng klase nito, enjoy na enjoy akong nakikinig sa discussion nito sa harapan. At paminsan minsan tumatawa din ako kapag nagpapatawa ito.


Kaya ng matapos ang oras ng klase namin sakanya, pare-parehas kaming umangal lahat at sinabi na mag over time pa ito sa amin. Kaso hindi ugali ni Professor Marlet na mag over time sa class niya.


"Alright class! Don't forget na mayroon tayong quiz bukas ha!" Malambing na sabi niya pagkuwan.


Halos sabay-sabay lang yata kami ng mga kaklase ko na nagsi-reklamo sa narinig naming iyon mula kay Professor Marlet.


"Professor Marlet naman! Next week na lang! PLEASSSSEEEEEEEE!" Sabay-sabay din naming sabi sakanya.


"Hay naku! Wag na kayong mag reklamo! Basta mag review na lang kayo! Babush!" Yun lang at lumabas na ito sa classroom with matching flying kiss pa saamin.


O di ba napaka lovable nitong Professor namin. Sana lahat ng mga guro katulad niya.


"Hay pambihira naman!" Naibulalas ko sabay buga ng marahas na hangin sa bibig ko.


Kung ganoon kailangan ko pa palang mag review nito. Siyempre dahil favorite kong Professor si Professor Marlet. Aba! Dapat lang na magpakitang gilas ako dito! At least baka sa pag re-review mo, ma forget mo sandali yung moment na yun.... Di ba?!


Sana nga......


"Hoy Zelle!"


Nagulat pa ako ng bigla akong pagkumpulan ng mga kaklase kong babae kasama na ang mga best of friends ko na sila Sharlot, Heina at ang nagbabalik na si Chenalyn na tila may kaakibat yatang swerte sa katawan, kase halos tatlong linggo din itong hindi pumasok pero heto at tinanggap parin ng dean ng department namin.


"Hay naku guys! Wag ngayon! Wala ako sa mood!" Sabi ko at akmang tatayo na ako.


Kase naman noh! Alam ko na kung ano nanaman ang kailangan saken ng mga ito.


Kaso mabilis akong pinigilan ni Sharlot sa gagawing kong pagtayo paalis sa upuan ko.


"Toh naman! Kanina pa kami binibitin sa ere eh! Kaasar ka alam mo ba yun?!" Anito.


The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon