Arzella Leonis POV
Ibang klase! Bigatin talaga si Direct Celis! Akalain mo yun, sa pinaka mahal, pinaka sikat at pinaka malaking hotel sa Lestallum lang naman nito idadaos ang birthday party niya! Grabe wala na talaga akong masabe sa mga nagtatrabaho sa TBO! Ang laki-laki siguro talaga ng sweldo nila!
And to be honest, kahit may kaya naman ang pamilya namin. Parang hindi namin afford ang mga ganitong klaseng kabongang hotel! Pero hindi ibig sabihin non na wala talaga kaming 'K' na pumunta sa mga ganito. Kase for sure naman na hindi sasayangin nila Granddad yung pera para lang mag stay kahit one night lang dito! Lalo na si Mummy na saksakan ng kuripot para sa sarili niya.
Sasabihin lang ng mga yun na himbes na igastos sa mga ganitong klaseng luho yung pera. Mas mainam kung ibili na lang ng mga mahahalagang bagay. Ah basta! Mahirap intindihin ang mga yun! Pero kung si Mommita ang tatanungin. Siguro walang kaabog-abog na pupunta yun sa mga ganitong lugar. Kaya nga mas kasundo ko ang lola ko, kase cowboy ito.
Actually cowboy din naman si Mummy eh. Naalala ko na bigay luho din naman ito saaming magkakapatid noong bata pa kami at buhay pa si Daddy. Kaso dahil siguro sa mga nangyare.... Unti unting nagbago ang ugali nito.
Naging malungkutin, bugnutin at higit sa lahat naging super overprotective saamin ni Ate Misia. Para bang natatakot ito na mawala kami sakanya ni Ate. Basta yun ang nararamdaman ko.
Kaya kahit badtrip ako sa supladong amo ay mali sa diyablong 'master' ko kuno. Aba'y natutuwa naman ako at sa wakas ay naitapak ko na rin ang mga paa ko sa ganitong klaseng karangyang lugar!
Tuloy pumasok sa isip ko na gusto kong mag picture-picture dito mamaya, para naman maipakita ko sa mga kaibigan ko, kay Igrain at siyempre kay Mommita na rin na nakapasok ako dito! At hindi lang basta nakapasok, kundi tatambay pa ng bongang-bonga! Saan ka pa di ba?!
At dahil isang kilala at super sikat na direktor si Direct Celis. For sure maraming mga sikat na artista ang dadalo sa birthday nito. At siyempre siguradong mayroong ding mga talent scout at sikat na mga producer! O di ba?! Baka ito na yung inaantay ko na pagkakataon na ma discover ako ng mga sikat!
Kaya hindi na ako umangal eh..... Napag isip-isip ko. Na isa itong magandang opportunity! Kaya dapat lang na hindi ko sayangin ang pagkakataon na ito!
Kaso paano ba ako magpapasikat?! Paano ako haharap sa mga bigating tao, kung ganitong kasimpleng damit lang ang suot ko?! Kaasar ha! Kung alam ko lang na tatangayin pala ako ni Drey! Sana pala nag baon ako ng pinaka magandang damit na pu-pwede kong suotin mamaya!
"Hindi Zella! Keri na yang suot mo! Ano naman ngayon kung isang simpleng hanging T-shirt at fitted jeans ang suot mo? Kung si Drey nga eh, naka simpleng damit lang! Basta! Keri na yan ng beauty mo! Ang ganda mo kaya! Basta smile kana lang mamaya sa party!" Pagpapalakas ko sa loob ko.
Pagkuwan ay ngumiti ako sa harap ng salamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/164940461-288-k939533.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
AléatoireBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...