Samarah Liger POV
Hindi ko dapat ginawa yun..... Hindi ko dapat pinaalis ang anak ko.....What I had done! Wala akong kwentang ina kahit na kailan!
Huminga ako ng malalim, pagkuwan ay inabot ko yung huling family picture naming mag anak. Sa huling picture namin doon. Tandang tanda ko pa kung gaano kami kasaya ng araw na yun. At kung maaari ko lang maibalik ang araw na iyon.
Wala akong hindi gagawin para lang maibalik ang oras kung saan napakasaya pa namin ng pamilya ko.
Umiiyak na pinatong ko ang kamay ko sa mukha ni Arthemis, ang anak kong si Arthemis na kay tagal ko ng hindi nakikita.....
"Napakalaki ng kasalanan ko sayo, anak...." Umiiyak na sabi ko.
Pagkuwan ay sa mukha naman ng lalaking pinakamamahal ko.... Mula noong unang beses na makita ko ito, at kahit hanggang ngayon. Ito parin ang kaisa-isang lalaking minahal at patuloy ko paring minamahal kahit wala na ito....
"Connor...." Humagulhol na ako.
Sabay yakap sa picture frame na ito, na para bang sila yung yakap yakap ko ngayon. Umiiyak na dumausdos ako pahiga sa ibabaw ng kama ko at doon ay nag iiyak ako ng nag iiyak.....
"Ang bilis ng panahon! Malalaki na pala ang mga anak natin." Masayang sabi ni Connor.
Habang pinagmamasdan nito sila Artemisia, Arthemis at Arzella na naghahabulan ngayon sa may tabi ng malaking puno.
"At hindi lang yun." Nakangiting sabi ko sabay yakap dito. "Habang lumalaki sila.... Lumalaki silang magaganda, katulad ko." Dugtong ko sabay bungisngis dito.
Maski na ito napabungisngis din ng dis-oras.
"Ibang klase ka talaga misis ko! Yan ang nagustuhan ko sayo eh. Masyadong malaki ang bilib mo sa sarili mo." Aniya sabay pisil sa ilong ko.
"Bakit? Hindi ba totoo yung sinabi ko? Aba'y kanino pa ba magmamana yang mga anak mo? Hindi ba saakin lang naman na nanay nila!" Sabi ko.
Sabay ingos dito.
Kaya muling tumawa si Connor.
"Sana nasusubaybayan ko rin sila palagi. Minsan naiisip ko, umalis na lang kaya ako sa navy. Tapos mag trabaho na lang ako dito, sa farm ninyo. Gusto ko rin kasing makasama kayo, iba parin kapag nakikita ko kayo ng ganito." Anito.
Ngumiti ako.
"Alam mo naman na yan na ang matagal na hinihiling ko sayo, di ba? Pero ang tanong.... Kaya mo ba talagang iwan ang navy? Ikaw pa! Alam naman namin ng mga anak mo, kung gaano mo pinapahalagahan ang tungkulin mo sa bansa at sa kaibigan mo na si King Regis." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
CasualeBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...