Chapter 13

118 5 0
                                    



Arzella Leonis POV



I don't know where exactly Am I.... But all I know is.... Wala ako sa Lestallum. Dahil kung nasa Lestallum parin ako, bakit naman uulan ng niyebe sa lugar na ito? Besides.... Ang ganda-ganda ng lugar na kinaroroonan ko ngayon. Para bang nasa isang magical world ako ngayon, basta ang hirap I-explain eh.


At dahil bago para saken ang nakikita ko at na e-experience kong ito. Para tuloy akong bumalik sa pagkabata na nag simulang mag laro sa makakapal na niyebe na bumabagsak sa lupa. Tuwang tuwa akong tumakbo habang nakataas pareho ang mga kamay ko na animo mayroon akong sasalubungin ng yakap.


Hanggang sa maisipan ko na humiga at damhin ng husto ang buong lamig na ito. Pero hindi pa man ako nagtatagal sa ganoong ayos ng bigla kong maramdaman na para bang hindi na ako nag iisa sa lugar na ito.


Kaya naman mabilis akong bumangon at umupo sa pwesto ko para lang mamangha ng makakita ako ng isang aso....


Teka mali! Hindi yata isang ordinaryong aso ang nakikita ko! Para yatang kakaiba ito at.... Basta, parang ngayon lang ata ako nakakita ng ganitong uri ng hayop. Ano nga ulit ang tawag sa mga hayop na parang kahawig ng isang aso?


Pilit kong kinakapa sa isip ko hanggang sa ma-distract ako ng violet eyes nito na mataman na tumitingin saakin ngayon. Pakiramdam ko para bang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang tingin nito!


Bukod doon sa violet eyes nito na talaga namang sobra akong namamangha. Nakakatuwa rin ang kulay ng balahibo nito. Pinaghalo kaseng puti at itim ang mga balahibo nito na talaga namang makakapal! Para siyang syberian husky? Parang kahawig siya nung isang movie na napanood ko noon na nahiram ni Daddy kay Tito Lort....


Ano nga ulit ang tittle nun? Ah! Below eight yata! Tama! Alam ko yon yung tittle ng movie na yun. At sa pagkakatanda ko, mayroong isang aso doon na talaga namang parang kahawig ng kaharap ko ngayon. Pilit kong iniiisip kung ano ang pangalan ng asong ka eksakto ng kulay nito.


"Max! Oo! Max yung pangalan ng asong kakulay mo! Halika! Ang cute cute mo naman!" Masyang masayang sabi ko.


Pero hindi lumapit saken yung wolf na tinatawag ko.


"Wolf?" Natigilan ako sabay tayo ng mabilis mula sa pagkakaupo ko.


Grabe! Ang shunga ko shunga ko talaga! Ba't ba ngayon ko lang na realize kung anong klase ng hayop ang kaharap ko! Palibhasa wala pa akong na e-encounter na wolf eversince! Tanging sa mga kwento lang ni Daddy ko naririnig ang mga wolf na katulad nito! Kase noong nabubuhay pa ito, madalas itong mag kwento tungkol sa mga kakaibang bagay, katulad nga ng mga wolf.


Nagtataka nga kami kung saan nakukuha ni Daddy yung mga kwento niya, at siyempre mga kakaibang larawan na rin na madalas ay pinapakita nito saming magkakapatid.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon