Arzella Leonis POV
Ang buong akala ko, kapag nag punta ako dito. Papaalisin kaagad ako ni Drey. Pero kaibahan sa inaasahan ko ang gagawin nito saken. Tuloy pakiramdam ko para bang nagkaroon ako bigla ng isang tagapagligtas, pero siyempre may hangganan parin ang lahat ng ito.
Ginagawa lang ni Drey ang pabor na ito saken, kase alam ko na naawa ito. Ngayon ko lang napatunayan na totoo yung mga sinasabi ni Kero dito. Hindi nga ganoon kasama si Drey. Dahil kung ganoon nga talaga ito. Eh di sana ng makita niya ako sa may labas ng condo unit niya.
Hindi na lang sana niya ako pinansin at dinaanan na lang sana niya ako. Pero hindi ganoon ang ginawa niya, at sa halip pinapasok niya ako dito sa loob....
At ngayon nga heto't pumayag pa siyang ipainom saakin yung alak na nakita ko sa may sahig.
Kung sino ka man Dallas.... Isa lang ang sasabihin ko sayo kapag nagkita tayo..... Na isa kang malaking tanga, para pakawalan ang isang katulad ni Drey! Napaka swerte mo at mukhang hanggang ngayon, may tama parin siya sayo! Siguro ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ngayon si Drey! Nakakainis ka! Ang sarap mo sigurong sabunutan na bruha ka!
"Here."
Napukaw ang isip ko ng bigla kong marinig yung baritonong boses ni Drey.
"Ba't konti lang ang nilagay mong alak sa baso, Sir Drey? Dagdagan mo naman!" Reklamo ko sakanya.
Siguro kung katulad parin kami ng dati, for sure hindi ko magagawang makapag-reklamo sakanya ng ganito. Yun bang tipo na para bang wala ng pader sa pagitan namin. Para kaseng ang dali-daling abutin ngayon ni Drey eh.
Kase nga pinagbibigyan ka niya! At ikaw naman itong si abusado! Sinusulit mo naman yun ng bonga! Hala sige! Bira! Namnamin mo na yan! Dahil last na yan! Dahil next time. Malabo mo ng makasama ng ganyan si Drey, Zelli! Go girl!
"Trust me, malalaman mo ang sagot kapag natikman mo na ang alak na yan." Anito.
"Asus! Baka naman nagmamaramot lang kayo, Sir Drey! Pero sige nanga! Titikman ko muna!" Sabi ko.
Pero ganoon na lang ang lukot ng ilong ko ng masinghot ko yung amoy ng alak! Partida pa na mayroon pang nakabarang sipon sa may ilong ko ha! Grabe! Ang tapang! Amoy palang.... Parang nalango na yata ako ah!
Sukat doon bigla kong narinig na tumawa si Drey. Halatang nakita nito na lumukot bigla yung ilong ko.
"What? Aatras kana?" Tanong niya ng tumigil na rin siya sa pagtawa.
Kapag ba umatras ako.... Papaalisin mo na ako?
Sa takot ko na matapos kaagad ang moment na ito saamin. Mabilis na umiling ako dito.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
De TodoBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...