Chapter 37

110 7 0
                                    



Dreyd Zebulter Wulfric POV


"Dreyd.... Hilong hilo ako! Nyeta naman eh! Mukhang hindi tumupad sa usapan namin si baby! Ang daya-daya niya! Malinaw ang usapan na wag na muna niyang pahihirapan si Mommy.... Sa tingin ko pasaway si baby eh. Bad baby!" Mahina at matamlay na sabi ni Arzella.


Tuloy sa kabila ng pag aalala ko para sa maselan na kalagayan nito ngayon, hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti sa mga pinagsasabi nito.


Kahit na kailan talaga, kakaiba ang utak ng babaeng to! Well hopefully, hindi naman sana manahin ng magiging anak namin ang mga kakaibang trip nito sa buhay.


"Don't worry, malapit na tayo sa pupuntahan natin. Konting tiis pa." Malumanay na sabi ko dito.


"Mmm.... Puro yan naman ang sinasabi mo eh.... Pero parang malayo pa tayo. Lakad ka ng lakad....Mas lalo tuloy akong nahihilo! Gusto ko na lang mahiga sa malambot na kama!" Anito.


Sabay subsob ng mukha nito sa may batok ko. Pasan-pasan ko kase ito ngayon sa may likuran ko.


At dahil sa pagsubsob nito sa may batok ko at sa sinabi nito na gusto na lang niyang mahiga sa malambot na kama.


Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang isang eksena, kung saan naghihintay ito saakin sa ibabaw ng higaan. Nakangiti at tila ba nang aakit, habang nakatapis lang sa magandang katawan nito ang isang manipis na kumot na halos----


Mabilis na pinilig ko ang ulo ko.


What the hell is wrong with you Dreyd!


"Hey Dreyd! Nandito tayo!" Narinig ko na sabi ni Keroshino.


Ito ang pinauna ko sa paglalakad, dahil masyadong okupado ang isip ko sa kalagayan ni Arzella. Hell yeah? O baka mas busy ang isip mo sa paghuhubad sakanya! Damn man! You're sick!


Pilit ko paring inaalis sa isip ko ang mga malalaswang bagay na hindi ko sukat akalain na maiisip ko na para bang daig ko pa ang isang nag bibinata! Pupusta ako ng malaki, kung nakikita at nalalaman lang siguro ng mga kapatid ko, lalo na si Dirk ang nangyayari saakin ngayon.


Siguradong iikot ang mga iyon sa kakatawa saakin! At baka kung anu-ano pang tukso ang itawag saakin!


"You heard that? Nandito na tayo." Sabi ko kay Arzella.


Umungol ito ng marahan, dahilan para mapabilis bigla ang paghinga ko. The hell!


Mas lalong umigting ang pagtitimpi ko ng maramdaman ko na mas humigpit ang pagkakayakap nito saakin, kaya naman halos maramdaman ko pa ng husto ang malulusog na dibdib nito sa likuran ko!


Kaya naman palihim ko ulit na minura ang sarili ko ng makaisip nanaman ako ng kung ano.


The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon