3rd Person's POV
Sa loob lamang ng isang linggo ay marami ng kasong naitala kaugnay ng pangagahasa. Hindi pa rin matukoy kung sino-sino ang suspek. Samantalang nagtuloy-tuloy naman ang pagiging malapit nila Sofia at ni Juslin, ang lalaking nakasabay niya sa elevator at sa coffee shop.
Ang ginoo rin pala ang gumising sa kanya noon sa rooftop ng building. Lingid sa kaalaman ng dalaga na ito pala ay professor ng kaibigang si Clyde. Kasalukuyang papunta si Clyde sa faculty, ang mga mata niya ay nakatuon sa kanyang professor may kutob siyang badang talaga ito. Lumabas man na wala itong kinalaman sa kaso ng dalagang natagpuan sa pasig.
Nakahiwalay ang opisina nito, bahagyang may siwang ang pinto. Sinamantala ito ni Clyde mabuti na lang pala at nautusan siya ng representative ng klase na ihatid ang master list ng section.
Nadatnan niyang hawak nito ang isang singsing na sinisipat at animo may hinahanap na hindi malamang desinyo. Agad itong itinago ng ginoo sa bulsa nang mabungaran niya ang isa sa estudyante niya.
"Bakit hindi ka man lang kumatok?" Mahinahon lang ang pagtatanong ng binata katunayan ay nakangiti pa ito. Napansin ng dalaga ang isang biloy nito sa pisngi, natuwa siyang tingnan ang biloy nito. Bihira lang siyang makakakita ng biloy na hindi pares.
"Are you with me?" ani Juslin.
Nakabawi siya mula sa pagkakatitig ng ilang segundo o minuto? Ewan, basta kahihiyan sa sarili ang nararamdaman niya. Muntik na niyang makalimutan na badang nga pala ito.
"Sir, kumatok po ako wala pong sumagot kaya pumasok na ako ilalapag ko na lang sana sa mesa n'yo," sagot ni Clyde.
"Ganoon ba? Sige iipit mo na lang diyan sa folder malapit sa shelf," wika ni Juslin.
Habang nakatalikod at nakasandal sa swivel chair ang binata ay binuklat ni Clyde ang isa pang folder. Sa loob nito ay may larawan ng dalawang dalaga noong una hindi niya nakilala ang mga ito. Nag-sink in sa kanya ang mga babaeng ito, ay kapwa natagpuang patay. Ang nauna ay malapit sa basurahan at sa pasig naman ang huli.
Ano ang ginagawa ng mga larawan na ito sa folder ng isang college professor gayung wala naman itong hawak na klase ng senior high? Sinadya o nagkataon na ang dalawang ito pa ang biktima?
Akmang lalabas na si Clyde nang bigla siyang tawagin ng guro.
"Clyde, pakihatid naman nito kay Mr.Chen ng Polsci department," ani Juslin.
Tinanggap niya ang isang nakaselyong sobre. Lumbas na siya at hinanap kung sino man ang Mr. Chen na iyon, siguro typical na matandang panot, nakasalamin at malaki ang tyan. Natawa na lamang siya sa ideyang pumasok sa kukute niya. Sa daan nakasalubong niya si Lav nakapoker face na naman, ano bang bago?
"Saan ka sis?" Usisa niya kay Lav.
"Canteen sama ka?"
"Sunod ako, hahatid ko lang to kay Mr. Chen ng polsci dep't kaasar hindi ko nga kilala yun," reply niya kay Lav.
"Samahan kita, prof ko 'yun si gurang pero ikaw lang papasok sa office niya, sa labas lang ako," sagot naman ni Lav.
Pagkarating nila sa office ay kumatok si Clyde bago pumasok sa loob.
"Mr. Chen?" Tawag ni Clyde.
Bumungad mula sa isang parte ng kwarto ang matangkad at maputing lalaki, nakasuot ito ng salamin at may hawak na filing case.
Nagkamali siya ng isipin niyang matanda na ito...maling mali dahil hindi pa ito ganoon katanda. Hindi ito panot sa halip ang ganda ng tubo ng itim na itim nitong buhok. Hindi ito mataba, ang sexy at ang lakas ng appeal ng gurong ito.
"Pinabibigay po ni sir Juslin."
Nang makuha na ay agad na tumalikod ang binata, balik na ito sa pagaayos ng gamit sa shelf. Lumabas naman din agad si Clyde. Wala naman na silang klase kaya tatambay na lang muna sila sa cafeteria. Paupo na sana sila sa paikot na upuan nang biglang makatanggap sila ng mensahe mula sa kanilang boss.
Tuloy na tuloy na ang kanilang misyon. Ngayong darating na gabi anim na oras mula ngayon ay may bentahan na naman na magaganap sa isang bidding session sa Shangri-la hotel.
Nauna nang umuwi sina Lav, habang si Clyde ay pasimpleng sinundan kung saan pupunta ang badang na professor. Sa parking space ng university, kinatagpo nito ang isang senior high school na babae mula sa malayo ay tinanaw niya, ginamit niya pa ang telescope at talagang nakazoom-in pa. Iniabot ang singsing sabay ginulo ng binata ang buhok ng babae. Bago umalis ay yumakap muna ito sa bewang ng lalaki.
Hindi naman siya napansin ng binata dahil nakatago siya sa nakapilang kotse. May kutob siya na baka mapahamak ang babae. Ewan ba niya sa instinct niya, wala siyang basehan pero dahil sa singsing at dahil sa senior high ang babae pakiramdam niya ito na ang susunod na biktima.
Umalis na ang binata upang tumuloy sa loob ng campus samantala patuloy pa rin sa pagmamasid si Clyde. Naabutan niyang naglalakad ito at huminto ng may nadaang motor, kusa itong sumakay.
Walang habas kung magpaandar ng motor ang nagmamaneho lalo lamang siyang nabuhayan na sundan ang mga ito. Huminto sa isang abandonadong hotel ang motor nagtanggal ng helmet ang binata. Sabay humalik sa labi ng babae.
Iniabot ng binata ang sigarilyo at pakete?!
Napamura siya sa nakita, gusto niyang umeksena pero mas pinili niyang obserbahan muna. Pinangako niya sa sarili na oras na magkagulo ay tsaka lamang siya makikisawsaw. Dumating pa ang tatlong motorsiklo nakasuot ang mga ito ng ibang uniporme na hindi niya nakikilala kung saang unibersidad ang mga ito. Gaya ng nauna ay inabutan din ito ng pakete.
Mamaya pa ay pinalibutan ng mga kalalakihan ang dalaga. Tumayo ito, tinulak naman ng isang lalaki ang babae kaya napasakdal na ito sa sahig. Pinunit ng binata ang blusang suot ng dalaga.
Galit na galit, malutong na 'GAGO' ang naging hudyat ni Clyde para makialam.
"Having fun, boys?" Nakangisi niyang tanong habang iniisa-isang pinapatunog ang kanyang mga daliri.
"Get in my motor, Now!" Nagtataka at gulantang ang sabog sa drogang dalaga, sinunod ng babae ang utos ni Clyde.
Ngayon naman ay siya ang pinalilibutan ng limang adik at hayok sa laman. Isa-isang sumugod ang mga ito, iyon ang pagkakamali nila mas pinadali nila para sa dalaga na gulpihin sila. Bugbug ang mga ito sa mga suntok ni Clyde.
Hindi naman na siya makakasuhan kung sakali man na may minor sa mga ito dahil self-defense ang naganap. Isa pa ay wala sa matinong pag-iisip ang mga ito kaya imposible na siya pa ang makasuhan.
Nakatali ang mga ito, mabuti na lamang at may bitbit siyang lubid parati sa puwetan ng motor. Nagpatulong siya sa babae sa pagtali ng mga kumag. Hinihintay na lamang nila ang responde ng pulisya.
"Number ng parents mo?"
Nakitaan niya ng takot ang mga mata ng bata. Malamang takot itong malaman ng parents ang kagaguhan niya.
"Ilang taon ka na ba, Hija?"Panay na ang tingin ni Clyde sa orasan, may dalawang oras na lang siya bago ang misyon.
Imbes na mobil ng pulisya itim na Mercedes-Benz ang dumating. Hindi inaasahan ng dalaga na ito pala ang tinawagan ng babae.
Nagulumihanan siya, may relasyon ba ang mga ito? Hinubad ng binata ang suot na puting longsleeve, isinapaw ito sa punit na blusa ng dalaga.
"Get inside, I'll discuss something to you later," wika ni Juslin sa dalagita.
Wala naman na siyang gagawin ihahabilin niya na lang ang pagpapadampot sa apat na kabataang nasira ang kinabukasan dahil sa lintek na droga.
"I'll go ahead sir, parating na siguro ang mga cops kung kelangan ng testament ko pakitawagan na lang po ako."
"Okay...anyway, thank u so much! Let me get this straight, can I treat you a coffee as thank you for saving her."
"Sure, but not today."
Pumayag ang dalaga wala naman siyang nakikitang mali kung lalabas sila para magkape, no malice.
Bukod doon since libre, hindi niya tatanggihan ang grasya. Isa pa may gusto siyang alamin sa kanyang guro.
BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
AksiHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...