3rd Person's Pov
Pinasya nilang hindi na muna bumalik sa condo. Hindi na rin siguro sila papasok sa kani-kanilang klase para maalagaan nila ang kaibigan.
Wala naman silang aasahan na mag-aalaga ng tama kay Zae kundi sila-silang magkakaibigan lang din. Sobrang napamahal na sila sa isa't isa.
Kumbaga sa parte ng katawan ay magkakadugtong na sila. Ang sakit ng hintuturo ay iindahin ng buong katawan.
Ganyan nila nakikita ang relasyon nila bilang magkagrupo, magkaibigan at magka-pamilya. Kaya ang pabayaan si Zae ay wala sa kanilang diksyunaryo.
Tumayo si Lav upang magpunta sa maliit na kusina. Simple lang ito, kulay kahoy ang paligid dahil pinasadya nila itong barnisan ng kulay maple.
Pinagluto ni Lav ng sopas ang kaibigan baka sakaling nagugutom na ito. Samantala katulong naman si Clyde sa paghahanda ng mga rekados na ginamit ni Lav.
Abala rin si Sofia sa pag-aayos ng paghihigaan ni Zae dahil malamang na masakit ang katawan ng kaibigan. Nanaisin na nitong magpahinga at wala na itong lakas upang ayusin pa ang gamit.
Si Kely naman ay binubusisi ang pagkakalagay ng benda at pag gamot na rin sa ilang sugat na hindi masyadong naayos ng paglinis.
"Sino ba nagfirst aid sa'yo? Bakit ganito?" Reklamo ni Kely. Sa kanilang lahat ito ang mas maalam sa aplikasyon ng medisina.
Hindi na umimik si Zae, hindi na kailangang malaman ng kaibigan kung sino man iyon. Dahil kahit siya ay ayaw na niyang isipin na nagkaroon siya ng utang na loob sa isang estranghero. Nagpakawala si Zae ng mabigat na buntong hininga.
"Hullaaah, sis nastress ba kita? Sige hihihi hindi na ko mangungulit pahinga ka na if you want or kain ka. Ipinagluto ka ni Lav ng sopas," wika ni Kely habang inaalo ang likod ni Zae.
Tumango na lamang si Zae at isang pambihirang genuine na ngiti ang tugon niya na hindi rin naman napansin ng kaibigang si Kely dahil kasalukuyan pa rin itong nakatuon sa paggamot sa kanya.
"Charaaaan!!! Perfect bukas ulit papalitan natin 'yan para maiwasan ang infection," masayang wika ni Kely.
Matapos siyang gamutin ni Kely ay nagpaalam na ang dalaga na itatabi na ang ginamit na pang first-aid kaya naman naiwan na lamang si Zae na mag isang nakaupo.
Nakatulala lang siya sa sahig. Napansin iyon ng bagong dating na si Lav. Hindi na lang niya muna ito uusisain. Tsaka na lamang kapag maayos na ito at handa nang mag-open sa kanilang magkakaibigan.
Alam niya na kailangan nito ng space para pulutin ang sarili.
'Kung sa akin iyon nangyari ay malamang matutulala rin ako.' Pagsang-ayon ng isip ni Lav.
"Here, mainit pa kain ka muna." Sabay nilapag ni Lav ang umuusok-usok na sopas na sa bawat pagihip ng hangin ay sumasama ang bango ng pagkakaluto. Kasunod na dumating ang kaibigang si Clyde, may dala itong basong naglalaman nang maligamgam na tubig.
"Sige, maiwan ka na muna namin."
"Tawagin mo na lang kami kung may kailangan ka pa."
Naiwan na naman si Zae na mag-isa sanay naman siya sa gantong katahimikan ngunit sa pagkakataong ito nababagabag siya. Hindi nawala sa isip niya ang palaisipang iniwan ng taong nagpadukot sa kanya. Ano ang nais iparating ng mga impormayong iyon?
Nararanasan niya ngayon ang bigat ng pagdedesisyon kung may katotohan iyon o pawang paninira lamang. Ano ang koneksyon ng nagpadukot sa kanya at ng grupo ng kanyang kinikilalang amo at pangalawang magulang?
Ang nakapagtataka ay tila kilala siya ng mga ito...
"kilalanin mong mabuti ang kinakapitan mo ija...sya nga pala naglagay ako ng bagong pitas na bulaklak sa puntod ng kakambal mo."
Sigurado si Zae na maaring may alam ang mga taong iyon sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sayang lamang at hindi niya namukhaan ang mga ito dahil nakapiring ang kanyang mga mata. Kung boses ang kanyang pagbabasehan malabong makilala niya ng tama ang taong iyon.
Isa lang nasa isip niya sa mga oras na ito kung tunay na may balak ang taong iyon hindi malabong lapitan siya nito ulit at ito na mismo ang magpakilala sa kanya.
"Listen everyone!!!" Malakas na pagtawag ni Sofia sa lahat upang masiguradong maaagaw niya ang pansin ng bawat isa dahil importante ang bagay na sasabihin niya.
Isa-isa namang nagsilapitan ang mga ito tsaka lamang inumpisahan ni Sofia ang sasabihin ng makitang nakapaikot na sa kaniya ang mga kaibigan.
"Our system was hacked we have to change our accounts and numbers according to ladyboss. Once na may matanggap na threat or unwanted message ay ipagbigay alam agad."
"Noted!" Sabay-sabay nilang sagot.
"Alright be careful starting today we need to guard ourselves more and keep updated."
Ililihim na lamang niya na ang tungkol sa paggamit ng nauna nilang account. Bahala na si batman malakas ang kutob niyang malaki ang maitutulong ng patuloy na paggamit nito, baka sakaling kontakin siya ng taong dumukot sa kanya.
Alam niyang delikado ang binabalak niyang gawin pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay mapabilis ang paghahanap niya ng lead sa kaso ng kakambal. Matapos ang announcement ay nagsibalik na sila sa kani-kanilang ginagawa. Ipinasya ng dalaga na ipahinga muna ang katawan.
Marahan niyang pinikit ang mata at pilit na pinayapa ang isip upang makatulog ng maayos ngunit kahit anong gawin niya ay hindi sya dinadalaw ng antok.
Naramdaman niya na may malagkit sa bahagi ng kanyang likod, kanya itong kinapa laking gulat niya na may pulang likido ang nakakalat sakanyang paligid tila ba nakahiga siya sa sariling dugo.
Wala siyang nararamdamang sakit sa katawan, walang tama ng baril, walang sugat kung gayon saan nanggaling ang malapot na likidong ito?
Napaiyak siya nang makita na katabi niya ang nakahandusay na katawan ng kakambal. Pikit ang mga ng binata tinitigan niya ang mahabang pilik ng kambal.
Ibig niyang haplusin ang mukha nito akmang iaangat na niya ang kaliwang kamay ay bigla na lamang itong dumilat.
Napahilakbot siya sa gulat.
Panaginip lang pala pero para sa kanya totoo na katabi niya ang duguang bangkay ng kambal.
Hindi na niya alam ang gagawin niya pakiramdam niya ay mababaliw na siya bago pa man niya maresolbahan ang kaso ng kakambal.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
ActionHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...