FF#62:Ill-fated lovers

22 8 3
                                    

3rd Person's POV

"Clyde ikaw na ang bahala. Nasa kamay mo ang desisyon kung bubuhayin siya o hindi." Iniabot ni Claudette ang baril na may silencer. Napabuntong hininga si Clyde alam niyang kailangan niyang mamili kung papatayin si Samuel o hindi.

Ngayong araw nakatakdang makipagkita si Samuel kay Claudette. Ngayong araw isasagawa nila ang plano. Sana walang buhay na masayang.

Sunod na bumaling ang ginang sa kanila Sof at Zae na siyang magsasagawa ng hiwalay na misyon. Ang huling misyon...

Nagyakap silang lahat bago tuluyang tumungo sa magkaibang landas. Sina Zae at Sof ay patungo na sa Mirai. Sina Claudette at Clyde naman ay patungo sa abandonadong gusali sa Antipolo. 

Nais ni Samuel na makausap muli ang ginang matapos makumpirma na nagsasabi nga ito ng totoo. Siya nga ang mismong nagpahamak sa anak.

"Ito na ang huling pakikipag-usap ko sa'yo. HIndi ko masikmurang pakiharapan ang mamatay tao na gaya mo."

"I'm sorry."

"Wala nang magagawa ang sorry mo. Hindi mo na maibabalik ang lahat."

"I know. Ginawa ko lang ang lahat para maabot ko ang pangarap ko. Lahat ng ito ay para sa inyo."

"Lahat ng iyan ay para sa sarili mo. Makasarili ka Samuel."

Lumakad palapit ang ginoo at  niyakap niya ang dating asawa. Napapikit ang ginang nang maramdaman ang mainit nitong pagyakap. Bakit sa ganitong paraan pa sila nagkaayos. Bakit ngayon pang wala ng pag-asang magsama pa sila.

Bakit hanggang ngayon ay may puwang pa rin ito sa kanyang puso kahit na ubod ng sama ang taong ito.

Bakit hindi ito nagsisi at nagbago nang mas maaga?

Isang huling mainit na luha ang pumatak sa damit ni Samuel bago ito manghina at mawalan ng malay dahil sa itinurok ng ginang na pampatulog. 

"Pay the price." Huling sambit ng ginang bago ipasa kay Clyde ang buhay ng ginoo.

Tumalikod ang ginang at ang huling narinig niya ay ang isang putok ng baril.

--------------------------------------

(Mirai)

"Sigurado ka na kaya mo mag-isa?"

"Hintayin niyo ako sa magkabilang lagusan."

Nitong unang pagkakataon na makapuslit sila sa loob ng laboratoryo ay wala silang nakuha dahil takot silang mabisto agad.

Masyadong maraming sample hindi nila mahanap ang virus na pinapahanap sa kanila ni Lavender. 

Hindi kapani-paniwala na ang matagal na nilang hinahanap ay nasa loob lang pala talaga ng Mirai. Ang sekritong lagusan ay nasa lumang fountain na kung saan wala nang ibang pumupuntang tao.

Mayroong tunnel sa loob kung saan ang isang daan ay matatagpuan sa library. Samantalang ang isa ay sa likod ng paaralan kung saan napaliligiran ito ng mga mayayabong na halaman.

Susubukan nila ulit makapasok at alamin kung ano ang susunod na hakbang ng mga ito. Delikado kung hindi nila mapigilan.

Paano kung naperpekto na ang virus?

Paano kung huli na pala sila?

"Mag-ingat ka," ani Zae.

"Ikaw din," tugon ni Sofia.

Iyon ang huling pag-uusap nila bago maganap ang hindi inaasahang pangyayari.

Totoo nga sigurong walang makakapagsabi kung hanggang kailan mabubuhay ang isang tao. Ang dalawang tao na pinagtagpo pero hindi tinadhanang magkasama. May pagkakataon na magkokrus ang landas ng tao upang magkasakitan lamang sila.

Nageexist nga pala talaga ang bagay na tinatawag na 'ill fated'. Isa itong bahagi ng destiny na tao kung saan pinaglaruan sila ng tadhana. Dalawang tao na kahit labanan ang larong ito ay hindi magbabago ang katotohanang magkakasakitan sila sa huli.

"Sino ka?"

Hindi napansin ni Sofia na bukod sa kanya ay may tao pa palang interesado sa laboratoryo.
Naramdaman niya ang dulo ng baril. Nakatutok ito sa kanyang batok.

"Itaas mo ang iyong kamay at pumihit ka paharap."

Anong gagawin niya? Bakit ngayon pa?

"Hihintayin mo pa bang bumilang ako? Don't ever dare to do crazy thing."

Dahan-dahan siyang pumihit paharap habang nakataas ang parehong kamay.

"Tanggalin mo ang suot mong oklahoba," anas ni Tristan.

Parang pamilyar sa kanya ang presensya ng taong kaharap niya ngayon.

"Nagkita na ba tayo?"

Imbes na sagutin ni Sofia ang tanong ay sinipa niya ang kamay ng binata dahilan para tumalsik ang baril nito. Sa pagkakataong ito ay nabunot ni Sofia ang baril mula sa kanyang likod sa bandang bewang.

"Ngayon ako naman ang magtatanong, Sino ka?"

Imbes na sagutin ay mabilis na sinipa ni Tristan paibaba si Sofia. Nawalan ito ng balanse at tumilapon rin ang hawak na baril.

Pareho silang walang hawak na baril kung kaya't naglaban sila ng mano-mano.

Suntok at sipa ang paraan nila para iligtas ang sarili. Kung sino ang mananalo siya ang makakaalam ng totoo. Matagal na nilang parehong hinahanap ang isa't-isa.

Napilitan si Sof na gamitin ang natitirang sandata niya. Ang akala niya ay kaya niya itong talunin gamit ang kamao lamang. Magaling ito at mas malakas sa kanya.

Bumulwak ang dugo ni Tristan ng masaksak ito sa bandang balikat. Hindi namalayan ni Sofia na habang tumatagal ay napapalapit ang binata sa tumilapon na baril.

Bago pa man maabot ni Tristan ang baril ay nasaksak ulit siya sa bandang tagiliran. Sa tindi ng tama ng binata talagang didikasyon na lang ang mayroon siya, kailangan niyang mabuhay.

Naabot ni Tristan ang baril at bago pa siya makatamo ng pangatlong saksak ay nabaril niya ang kaaway.

Hindi niya sigurado kung tumama ito sa puso ng kanyang kalaban. Bumagsak ang katawan nito sa kanya.

Pagkakataon na niyang alisin ang oklahoba sa mukha...na sana hindi na lang niya ginawa.

"H-hindi...Sofia!"

Agad niyang tinanggal ang suot na oklahoba dahilan para masilayan ng nanlalabong mata ni Sofia ang mukha ni Tristan.

"T-tristan..." wika ni Sofia bago tuluyang pumikit ang mata nito ay nagawa pa niyang haplusin ang pisngi ng binata.

"Gumising ka, Sofia."

Sinong mag-aakala na ang isang gaya ni Sofia ang gagawa ng ganitong bagay.

'Bakit sa lahat ng tao si sya pa? Why of all people? Why does it have to be Sofia?'

Sinaktan niya ang taong pangarap niyang alagaan.

Hindi mapapatawad ni Tristan sarili kung mawawala ang dalaga.

Kahit halos nag-aagaw buhay dahil sa dalawang saksak na natamo ay nailabas niya ng ligtas ang dalaga. Nakalabas sila, likod ng gate ang tunnel na dinaanan nila gulat na sinalubong ni Zae ang dalawa.

Bago pa man makapagtanong si  ay parehong bumulagta ang mga ito. Agad namang sumakay ng kotse si Zae at dinala niya ang dalawa sa kung saan dinala noon si Kely.

Kritikal ang lagay ng dalawa at mukhang malabo na magising ang mga ito. Pero hindi sila susuko kahit pa makina na lang ang tanging pag-asa nila. Naniniwala ang mga taong nagmamahal sa kanila na may awa ang dyos.

Tatlong buhay ang posibleng mawala dahil lang sa misyon nila sa Mirai...

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon