FF#36: Kely in danger

25 10 16
                                    


No One's POV

Nakaupo sa isang swivel chair ang ginang hawak nito ang kupa na may lamang red wine. Marahan niya itong inamoy bago tuluyang inumin.

'Bilang na ang araw mo...Mr. Black'

Kilala niya ang totoong Mr. Black at sigurado siya kahit ilang beses pa itong magsuot ng wig kahit ibahin pa nito ang mukha. Alam niyang nagparetoke na ito. Ang nunal at tattoo nito ay hindi maitatago ang tunay na pagkatao niya. Kampante siyang mailalaglag niya ito sa kapulisan hindi nito kailangan malaman kung sino at kung paano siya nahuli.

Pagbabayarin niya ang lahat ng kasamaan na ginawa nila noon. Hindi man niya maibalik ang buhay ng mga nawala ay pipigilan niyang dumami pa ang makitil.

Siya ang magtatama ng mali.

Walang iba kundi si Claudette. 


Mas kilala siya bilang lady boss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mas kilala siya bilang lady boss.

Hindi na kailangan malaman ng kanyang mga alaga ang totoong layunin niya sa pagtatag ng lihim na kilusan. Magkaiba man ang pamamaraan ang mahalaga ay ang resulta. 

Ang mahalaga ay malumpo ang negosyo ng kanyang dating asawa.

Hindi alam ng limang dalaga na bukod sa kanila ay may isang tao pang pinapakilos ng kanilang boss. Ang taong ito ay nagtrabaho na sa kanya simula pa lang. Mas sanay at mas magaling itong humuli.

Isa pa ay hindi masyadong makakakilos ang mga dalaga kung parati siyang may mission na ibibigay. Isa lang ang magiging pokus ng mga ito...ang halungkatin ang unibersidad at hanapin ang bagay na iyon.

"Ma'am narito na po si sir---"

"Pumasok ka hijo."

Iniabot nito ang sikretong resulta ng pagpaparetoke na siyang nagpapatunay na nagpalit na ito ng mukha. Naroon din ang katibayan nang identical na pagkakaayos ng nunal nito sa bandang likuran ng tainga. At higit sa lahat ang tattoo griyegong letra na nakapaikot sa ahas na imahe.

"Heto naman ang resulta nang tracing feature."

Gamit ang bagong mukha at ang larawan na pinasadya pang ipaguhit sa bihasa. Dahil wala sa pangangalaga ng dalaga ang camera ay napilitan silang kumuha ng guguhit samantalang isa-isa at maingat na nilarawan ni Sofia ayon sa kanyang pagkakatanda.

Sumailalim ito sa comparative testing. Lumalabas na gumamit ito ng wig at clay upang baguhin ang texture ng mukha ngunit garantisadong iisa ang may-ari ng mukha.

"Mahusay!"

Papuri niya sa kanyang paboritong alaga.

"Ngayon hanapin mo kung saan niya itinago si Azrette. Masyadong madulas ang taong iyon hindi siya makukulong sa isang kaso lang. Alam ko namang pedo ang isang yun hindi niya sasaktan ang kanyang inaanak."

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon