3rd Person's POV
Nagpahinga na rin si Aldrich sa haba ng byahe ay nakakapagod din ang pagmamaneho. Bukod pa roon ay puyat siya dahil sa kanyang shifting sa infirmary. Mahimbing na ang kanyang tulog nang bigla na lang may kumalabog sa pinto. Tumayo siya upang pagbuksan ito laking gulat niya nang makita ang duguan niyang ina may tama ito ng baril sa tagiliran.
Yayakapin na sana niya ang ina ngunit tumagos lamang ang katawan nito. Lumuhod ito hindi niya malaman kung saan nanggaling ang batang karga nito na sa palagay niya apat na gulang na. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa malampasan nila ang bangkay ng ama. Hinawakan niya ang parte na may tama ng baril ngunit gaya ng una tumagos lamang ulit ang kanyang kamay.
Kasabay ng pagkalat ng bala sa hangin nagpanting ang kanyang tenga at kusang dumilat ang kanyang mata.
'masamang panaginip na naman'
Sa totoo lang ay kinalimutan na niya ang magkaroon ng pag-asang makamit ang hustisya kahit naman mapatay niya ang may sala hindi na niya maibabalik ang buhay ng mga magulang.
Tahimik na ang buhay niya ayaw na niyang ungkatin pa ang nakaraan dahil nalampasan niya na ang pangungulila. Tatlong sunod-sunod na mahinang katok ang nagbalik sa kanya sa apat na sulok ng kwarto na kung saan ay kasalukuyan siyang nakaupo sa dulo ng kama.
"Pasok bukas iyan," wika ni Aldrich.
"Sir, pinapatawag na po kayo ng inyong mamà," saad ni Nanay Loli.
"Pakisabi susunod na po ako, shower lang ako."
"Sige, hijo."
Akmang isisira ng kasambahay ang pinto nang bigla niya itong tinawag.
"Sir?"
"Tatanong ko lang sana kung gising na si Kely."
"Kanina pa po, sir."
Tumango lamang ang binata, tuluyan namang lumabas ang ginang. Ilang minuto lamang ang ginugol ng binata sa pagbabad sa tub ayaw naman niyang paghintayin ang mga bisita ng ginang. Nakatapis lamang ang binata napatalon ito sa gulat ng makitang prenteng nakaupo ang dalaga sa kama niya.
"Tagal mo naman kanina ka pa hinahanap ni mommy," wika ni Kely na nagpagulong-gulong pa sa kama ni Aldrich. Iniwasan nitong tamaan ang damit na nasa kama.
"Lumabas ka nga magbibihis na ako."
"Suot mo raw iyan, bilisan mo para kang pagong." Sabay turo nito sa damit na nakalatag sa pinakadulo ng kama.
"Oo na, labas na!"
Tumayo naman ang dalaga ngunit bago isara ang pinto ay may pahabol pa ito.
"Nice! 6 pack! Rawr!" Saka bumungisngis ang dalaga bago tuluyang isara ang pinto.
Napailing na lang ang binata at napangiti rin dahil sa kapilyahan ni Kely.
"Ang batang iyon bastos talaga," pangiting wika ni Aldrich.
Sinigurado muna niya na maayos ang kanyang tindig bago humarap sa mga bisita.
"Simulan na natin ang house blessing nang makakakain na tayo," saad ng kanilang mommy.
Nilibot nila ang lahat ng sulok ng bahay nagpausok at nag- alay ng dasal. Pagkatapos ng house blessing ay tumungo na sila sa garden at nagsalo-salo.

BINABASA MO ANG
Fearless flowers (Mafia S1)
ActionHindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim ay hindi maaring maungkat. Bawat isa ay may pinoprotektahan...hustisya ang sigaw ng naulila at naloko ng mundong mapagsamantala. Dalawa lang...